Umaga na nang magising ako. Hindi ko na pansin ang oras, dire-diretso na ang tulog ko. Akala ko ay magigising pa ako mga bandang alas dose ng umaga o kaya ay ala una pero alas sais na saka ako na gising. Huminga ako ng malalim at tumayo na sa kama. Nag-unat muna ako bago ko napagpasiyahan na ayusin ang aking higaan na medyo magulo. Habang abala ako sa pag-aayos ay iniisip ko pa rin kung ano ang dadalhin ko sa oras na aalis na ako rito. Malalaman ko lang siguro ito sa oras na nasa loob na ako ng shop ng taong iyon. Ilang sandali pa ay na tapos na rin ako sa wakas. Kinuha ko na agad ang tuwalya atsaka pumasok sa loob ng banyo, oras na para maligo upang makaalis. Sa labas na lang din siguro ako kakain para hindi na ako magluluto pa. Maraming bukas na karenderya naman sa labas o kaya ay fast

