Lumipas ang ilang sandali ay tuluyan ng naka-adjust ang mga mata ko sa liwanag. Dahan-dahan ko itong binuksan at bumungad sa amin ang napakagandang sala. Isang sala na hindi ko inaasahan na makikita ko sa ganitong klaseng lugar. Isang sala na inaakala ko ay impossible sa mga ganitong klaseng lugar. Isang sala na sumisigaw kung gaano kayaman ang mga taong naninirahan dito. Ang sala na punong-puno na halos ng ginto at ilang advance na teknolohiya sa buong mundo. Mayroon din itong magagandang bulaklak sa bawat gilid na sigurado akong totoo. Ang mga katulong ay abala sa paglilinis samantalang ang mga lalaking nakasuot ng itim ay nakatayo lamang sa gilid. “Maligayang pagdating sa aming maliit na bahay,”sabi ni Leonor. Nagbibiro ba siya o proud na proud sa kaniyang bahay? Alam ko naman na sob

