"That very moment I found the one and My life had found its missing piece So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now 'til my very last breath" Maririnig ang napakaganda na kantang beautiful in white sa isang nagaganap na garden wedding sa farm hill garden dito sa silang cavite at makikita ang kagandahan ng malawak na harden. Matamis ang ngiti ng mga panauhin sa kasalukuyang kasal, nag umpisa ng maglakad si Lucas habang katabi nito si Mr. Guirero na tumayong magulang ng groom sa mahabang red carpet at napapaligiran ito ng mga puting bulaklak. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ni Lucas ng mga oras na iyon tumikhim pa siya ng umayos siya ng tayo sa gilid ng altar. Kasunod na naglakad sa aisle ay ang groomsmen na si Sam

