RAMIRO
“I’m in trouble, help me!”
“Nasaan ka?!”
“Dito ulit sa Bar,”
“Damn it Eleizha! bakit ba umiinom ka na naman?!”
“My dad’s enemies are here, papatayin nila ako!”
“Stay where you are, I’m coming!”
Kaagad na akong bumaba ng hagdan nang marinig ko si Nico.
“Boss! nadakip na ang mga kaaway, anong gagawin natin sa kanila?” tanong ni Nico.
“Ipaubaya mo na kay Aarav yan at sa mga tauhan niya, siya na bahala, alam niya na ang gagawin, samahan mo na lang ako, nasa panganib si Eleizha! dali!”
Mabilis na kinuha ni Nico ang sasakyan at kaagad siyang nagmaneho, sumakay naman ako sa backseat.
Maya maya ay nag ring na naman ang cellphone ko kung kaya’t sinagot ko agad iyon.
“Hello?”
“Where the f**k are you? You are supposed to lead our men here!” inis na saad ni Aarav sa akin.
“Something came up! Bawi na lang ako!” saad ko sa kanya at saka pinatay ang tawag dahil alam kong kukulitin na naman ako nun at ipipilit ang gusto niya.
Right now, Eleizha is my main priority.
“Andito na po tayo, sir, ayun po si maam Eleizha!” saad ni Nico at saka kami bumaba ng kotse.
Habang papalapit kami ay naririnig ko na nga si Eleizha.
“Get off of me! I’m not marrying you, Warren!” narinig kong saad ni Eleizha na animo’y may kaaway.
“You spoiled little b***h!” singhal ng lalaki at narinig ko ang malakas na pagsampal niya kay Eleizha.
“Hey!” singhal ko at saka sinunggaban ang lalaking iyon ng malakas na suntok sa mukha, narinig ko pa ang pagbagsak niya ngunit kaagad naman siyang nakatayo at akmang susuntukin ako kung kaya’t mabilis akong yumuko at saka ko siya tinulak at pinalo ng tungkod ko.
“Hoy bulag! wag kang makikialam dito ah!”
“Bakit hindi huh?! ganyan ba ang tamang pagtrato sa babae?!”
“Sino ka ba huh?! Ang tapang mong putangina ka!” singhal niya at saka ako sinugod ulit at akmang manununtok ulit ngunit pinalo ko siya ng tungkod ko at sinipa ko siya sa ulo, narinig kong muli ang pagbagsak niya.
“Don’t you ever lay your hands on her, you asshole!” sa galit ko ay pinagsisipa ko pa siya sa tiyan, rinig ko ang bawat pag daing niya, pati na rin ang pag suka niya.
“Touch her again and I’ll kill you!”
“Hindi pa tayo tapos, Eleizha! Babalikan kita!” singhal ng lalaki, narinig ko pa ang yabag ng mga paa niya palayo sa amin.
“Yan tama yan! umalis ka dito! pwe! wala ka naman pa lang binatbat eh!” singhal pa ni Nico.
“I knew you would come! My heeeroooo!” saad ni Eleizha, nagulat naman ako ng maramdaman ko ang pag sunggab niya ng yakap sa akin, naamoy ko pa ang alak sa kanyang damit at katawan pati na rin ang paborito niyang pabango ngunit tinanggal ko ang mga braso niya sa akin.
“Bitiwan mo nga ako, Eleizha,”
“Ang sungit mo naman! ngayon na nga lang ulit tayo nagkita eh, tapos susungitan mo pa ako,”
“Listen, Eleizha,”
“You listen, Ramiro!”
“No, You listen to me, itigil mo na ‘tong kahibangan mo sa akin, Eleizha, I’m not the man for you, ilang beses ko bang sasabihin sayo yan?! at mas lalong hindi ako ang hero mo!” singhal ko sa kanya.
“Bakit ba ayaw mo sa akin? pangit ba ako? hindi ba ako worth it paglalaan ng oras?”
“Aba, malay ko kung pangit ka, paano ko makikita? eh, bulag ako,”
“Sir, wag naman ho kayong ganyan sa babae Sir, maganda ho si Maam Eleizha, I’m sure pag nakita niyo siya, baka hindi niyo na po pakawalan, mukhang dyosa po, promise, sexy pa,” bulong naman sa akin ni Nico na pasimple lang.
Maganda nga, may sayad naman. tss.
“Dahil ba… lasinggera ako?! huh?!” tanong niya.
“Oo! nakakainis na ang habit mo na yan! palagi ka na lang inom ng inom! tapos pag lasing ka na tatawagan mo ako at papapuntahin mo na naman ako dito! I hate this place, Eleizha!”
“Oh for god’s sake get a room, guys,” narinig kong kantyaw ni Nico.
“Alam mo ba kung bakit inom ako ng inom?! Come with me!” singhal niya sa akin at saka iginiya ako sa kung saan, hinawakan niya Ako sa braso ngunit kaagad kong binawi iyon…
“It’s because I’m tired Ramiro, I’m so sick of everything! my dad is sick kaya ganun ganun na lang kung i-set up niya ako sa kung sino sinong lalaki na hindi ko naman gusto! Nag aalala siya sa akin na walang mag aalaga sa akin kapag nawala na siya and now, he wants me to marry that jerk!” saad ni Eleizha at saka humagulgol ng iyak.
Napayuko ako, hindi ko akalain na ganun ang dinaranas niyang paghihirap sa kamay ng kanyang ama. It’s like, you’re a prisoner. You are trapped.
“Fine, I’m sorry, what’s his name?”
“Who?”
“The guy earlier,”
“His name is Warren Saldivar, dad said that he came from a wealthy family in L.A. kaya ganun na lang kung ibenta ako ni daddy,” saad pa ni Eleizha na humuhikbi.
“Well, he has a temper, pero hindi solusyon ang maglasing ng ganyan gabi gabi,”
“Wait, you’re bleeding! nasaktan ka ba niya kanina?!” saad ni Eleizha na hinawakan ang dibdib ko.
Ito yung sugat ko kanina nung naglaban kami ni Don Fuentes.
“Don’t worry about it, daplis lang yan,” saad ko na tinanggal ang kamay niya sa dibdib ko.
“Anong daplis?! ayaw tumigil ng pagdurugo! wait there!” saad niya at narinig ko ang tunog ng sapatos niya na nagmadaling maglakad palayo sa akin.
Maya maya ay narinig ko na siyang bumalik.
“Damn it, you’re bleeding too much!” saad niya.
“Nasaan ba tayo ngayon?” tanong ko dahil hindi ko man lang naririnig si Nico na nagsasalita.
“Nandito tayo sa parking lot, umupo ka dyan,” saad niya sa akin sabay tulak dahilan upang mapasandal ako sa kotse.
“Gamutin natin yang sugat mo,” saad niya na mababakas ang pag aalala sa akin.
“I’m fine, Eleizha,” saad ko naman ngunit hinubad niya na sa akin ang suot kong t-shirt.
“Oh my god!” saad niya.
“Bakit?” tanong ko.
“Ang sara–este ang haba ng sugat mo!” saad niya na pautal utal pa kaya sumimangot ako, sinasabi ko na nga ba, pagsasamantalahan lang ako ng babaeng ‘to!
Hantad na hantad kasi sa harapan niya ang six pack kong abs ngunit naramdaman ko na ang bulak at alcohol na idinadampi niya sa dibdib ko.
“Aray naman! mahapdi!” napasigaw ako at napangiwi sa sakit dahil ginadgad niya ng alcohol ang sugat ko. Talaga ‘tong babaeng ‘to hindi marunong magdahan dahan eh.
“Oh! I’m sorry, I’m sorry!” saad niya at saka dinahan dahan na lang ang pagdampi ng alcohol at bulak sa akin.
“Ayan, okay na ba?” tanong niya.
“Bakit may dala kang first aid kit?” tanong ko naman.
“Lapitin kasi ako ng disgrasya eh kaya palagi kong baon ‘to,”
“Totoo bang nasa Bar kanina ang mga kaaway ng daddy mo?”
“O-oo pero, nagtago ako, hindi naman sila nagtagal at umalis na,”
“That’s good,”
“Kaya lang bigla namang sumulpot si Warren at hinaras haras ako,”
“Tungkol dyan… wala akong magagawa, sorry, mabuti pa kausapin mo na lang ang daddy mo ng masinsinan kung talagang ayaw mo sa lalaking iyon,”
“Malupit si Warren, sasaktan niya lang ako, hanggang ngayon nga masakit pa rin ang pagsampal niya sa akin eh,”
“Well, tell your dad about, tell him that he hit you,”
“Warren knows his game, kaya ewan ko lang kung pakikinggan ako ni daddy,”
“Ms. Eleizha, hinahanap ka na ng mga tauhan niyo, oras na daw po para umuwi kayo,” narinig kong saad ni Nico.
“Sige, pakisabi sandali na lang at uuwi na rin ako,” saad ni Eleizha kay Nico.
“I’m sorry, alam kong naistorbo kita ngayong gabi, wag kang mag alala, this is the last time, titigil na ako, sorry, goodbye,” saad niya ngunit naririnig ko ang paghikbi niya at para bang pinipigilan niyang umiyak, naramdaman ko naman ang paghalik niya sa labi ko, hinablot ko naman ang batok niya dahilan upang lumalim pa ang paghalik niya sa akin.
“Wag kang magpaalam, istorbohin mo lang ako hanggat gusto mo,”
“Talaga?!” saad niya na biglang natuwa, baliw talaga, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sa harap niya.
“Thank you, Ramiro ko! hulog ka ng langit!” saad niya, naramdaman ko ulit ang mahigpit niyang yakap.
“Ng demonyo kamo, aray! Eleizha! hindi ako makahinga, yung sugat ko masakit! papatayin mo ata ako!” reklamo ko sa kanya.
“I’m sorry, I got carried away! sige na, goodnight!” saad niya at saka naglakad palayo sa akin.
Napahawak ako sa dibdib ko na may sugat, malinis na nga iyon at may bondage na rin.
Ako dapat ang mag thank you sayo, Eleizha.
“Boss, tara na po, nakauwi na si Maam Eleizha,” saad ni Nico na inakay na ako, naramdaman ko rin na sinuotan niya ako ng coat dahil wala nga pala akong t-shirt.
Nang makapasok kami sa kotse ay tinanong ko si Nico.
“Marunong ka rin ba ng background checking?”
“Uhm, opo Boss, bakit?”
“Warren Saldivar, paki-background check, iyon yung gagong nanghaharas kay Eleizha kanina,”
“Sige po, Boss,”