ELEIZHA One week later… Sumabak na si Ramiro sa training. Binantayan ko ang mga pinapagawa sa kanya dahil hindi naman ako ang may hawak sa kanya kundi ang daddy ko pa rin at bilang bodyguard dito sa Fortez Clan, kailangan niyang matutuhan ang lahat. Simula sa negosyo ng pamilya namin hanggang sa kung paano ako po-protektahan sa lahat ng pagkakataon, lalo na ang mga sarili nila. Ngayon ay nasa swimming pool kami upang mag practice ng stunts. “Hindi naman na bago sayo ang mga training na ganito diba?” tanong ko sa kanya habang nilalagyan ng mga tauhan ko ng kadena at posas ang magkabilang kamay niya. “Eleizha, sisiw lang ‘to, alam mo namang buong buhay ko nagserbisyo ako sa organization,” “Sabi ko nga eh,” “Bakit? Tingin mo hindi ko kaya? Porket ba bulag ako?” “Hindi naman sa

