RAMIRO “Ramiro, pinapatawag ka ni Daddy,” saad ni Eleizha sa akin. “Sige, susunod na ako,” tugon ko naman sa kanya at saka tumayo. Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa corridor, habang ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa tungkod ko at winawasiwas iyon upang malaman kung may matatamaan ba ako o wala. Nang makarating kami a private room ni Don Octavio ay nakatalikod siya, naka de kwatro, maya maya ay bila siyang humarap sa amin ni Eleizha. “Akala mo hindi namin malalaman ang pakay mo, Ramiro? na balak mo akong patayin pati na ang unica hija ko?” sarkastikong saad niya sa akin. “Don Octavio,” saad ko na halos hindi makapaniwala na natuklasan niya na ang lahat. “Pwes, nagkamali ka ng kinalaban!” saad niya, kaagad kong kinuha ang baril ko at pinagbabaril siya

