"Isa Elmo..." "Ayoko na Kalabs..." "Sige na kasi!" Napasimangot si Elmo at hinayaan na lang si Julie na gamutin ang sugat niya sa muhka. Sabado ngayon at pagaling na din ang sinasabing sugat. "I still can't believe you won't press charges." Hindi makapaniwalang sabi ni Elmo habang linalagyan ng bagong gauze ang muhka niya. "Ayoko na ng gulo Elmo. Lumabas na din naman ang balita at suspended na siya pero ayoko na ng marami pang pangyayari." Sabi ni Julie. Inilahad niya ang pangwakas na micropore sa muhka ng lalaki at napangiti sa gawa niya. Kung hindi lang siya journalist ay baka nagnurse o doktor siya. "There, all better!" Elmo scowled. "Nakakabawas ng pogi points ko ito eh." "Panget ka pa rin may band-aid o wala." Pangiinis ni Julie. Imbis na mainis ay ngumisi lang si Elmo

