Hindi mapakali si Julie. Nung una ay dahan dahan niyang tinatapik ang braso ni Elmo pero hindi ito nagigising hanggang sa linalakasan na niya ang kanyang paghampas. "Elmo! Elmo!" Tawag niya muli pero parang mantika matulog ang kanyang nobyo. Imbis na magising ay hinihigpitan lang nito ang yakap sa kanya. A sly smile went up her face as she smirked before whispering in his ear. "Elmo, makikipaghiwalay na ako sayo." "Anong makikipaghiwalay?!" Napaupo sa kama si Elmo ay gimbal na nakatingin sa kanya. "Sa akin ka lang Julie Anne! Akala mo makakatakas ka sa akin?" Humagalpak ng tawa si Julie Anne. Hindi lang dahil sa sinasabi ng lalaki kundi pati nadin sa itsura nito. Gulo gulo ang buhok nito at nakakunot ang noo tapos mas mahaba pa sa prusisyon ang nguso. Pero kahit na...ang gwapo gwapo

