Inis na tinitingnan ni Julie ang nobyo. Nandoon pa rin ito sa loob ng kanyang opisina. Masayang masaya na nakangiti ito ngayon sa kanya habang siya naman ay nakakunot ang noo. "Yung ngiti mo na yan abot hanggang langit ah." "Paano ba namang hindi Kalabs..." Simula ni Elmo at lumapit para yakapin si Julie. Pareho silang nakatayo sa gitna ng kwarto. Kahit na nakasimangot ay binalik naman ni Julie ang yakap. "Makukuha na natin ang get away natin tapos libre pa! O diba ang saya!" "Trabaho yon ha Elmo Magalona. magt-trabaho tayo. Gagawa tayo ng feature." Pagpapaalala ni Julie at sabay hiwalay mula sa yakap ni Elmo para umupo na muli sa kanyang swivel chair. "Kaya nga mas masaya eh." Sabi pa ni Elmo. "We get to work and we get to enjoy! Hitting two birds with one stone!" Masayang sabi pa

