Hindi nakatulog si Julie nang gabi na iyon. Paano ba naman...may nakita kaya si Kikay?! "Ugh!" She groaned into her pillow. Magmumuhka siyang puyat sa trabaho kinabukasan sigurado siya. She did finally fall asleep but it was already 2 in the morning. And she woke up 3 hours later. Pwede na niyang gamiting maleta ang mga eyebags niya. Nakapikit pa nga siya nang magising kinabuksan. Nanlaki lang ang mga mata niya nang tuluyan nang makita na nagluluto na ng agahan si Kikay. Sobra sobra ang kabog ng dibdib niya. Parang biglang pinagpawisan siya. "Magandang umaga ate Julie." Sabi nito sa kanya. May kakaibang ngiti sa muhka nito kaya naman hindi siya kaagad nakasagot. "Kain ka na ate may hotdog na diyan saka itlog." Sabi pa ni Kikay. At totoong hindi nawawala ang nakakalokong ngiti sa muh

