"Apo..." Sinalubong si Julie nang kanyang lola pagkabalik niya galing sa kanilang front yard. "Okay lang po ako la." Sagot naman niya kahit na may luhang tumutulo pa rin sa kanyang mga mata. Umupo siya sa may living room couch at umalis saglit si Lola para daw kunan siya ng maiinom. Mabilis niya pinunasan ang mga luha nang lumapit sa kanya si Jerome. "Julie I'm sorry. Is Elmo alright?" Tanong ng lalaki. Pero napailing lang si Julie dahil ang totoo hindi naman din niya alam ang sagot sa tanong nito. Paano niya malalaman e umalis kaagad si Elmo? "Pasensya na Jerome ah." Sabi ni Julie nang masigurado na hindi na siya lumuluha. "Nadawit ka pa dito." "Nagseselos ba daw siya?" Biglang sabi ni Jerome. Gulat na tiningnan ni Julie ang lalaki. Nung una ay hindi siya makasalita. Baka kasi ak

