Tiningnan ni Julie ng huling beses ang bahay na inupahan nila ng isang taon sa New York. Mamimiss din niya dito pero tinatawag na siya ng Pilipinas. With a last smile she closed the front door behind her and left the keys under a plant pot. "Tara na ate Kalabs at male-late tayo sa flight!" Sabi ni Kikay na nakasuot na ng backpack. "Apo mas mabagal ka pa sa akin tara na." Sambit naman ni Lola Mimi na nakaangkla ngayon kay Elmo. Hinarap nito ang lalaki at tinapik tapik ang muhka. "Halika na apo, iwan na natin si Julie Anne at napakabagal kumilos." "Tumawa si Elmo at hinawakan lang ng mas mahigpit si lola. "Sorry po lola, pero mahirap iwanan si Julie, ako ang iiyak." "Enebeh!" Kinikilig na sabi ni Kikay sabay palo sa braso ni Julie na pinandilatan siya. "Ay! Ay sorry ate Kalabs! Hindi ki

