Naka-ilang ulit na ng tingin si Julie sa relo niya. She was supposed to be meeting with Kier Palo. Isang sikat na food blogger and chef na nagbukas din ng sariling restaurant and Pages was doing a feature on him. Bukod kay Kier ay hinihintay din niya si James. The guy was supposed to be her photographer for the article. Magkikita na lang sana sila doon pero kagaya wala pa din ito. Mabuti na at nagt-trabaho siya ngayon. Nawawala ang pag-iisip niya sa problema kay Elmo at sa nanay nito. Nasa loob na siya ng restaurant ni Chef Palo at hinihintay na lang na lumabas ang lalaki. Nakaupo siya sa isang table na medyo secluded sa iba pa. Figures, mas maganda nga naman mag-interview kapag wala masyado distraction kaya siguro doon siya dinala ng isang waiter pagkapasok pa lang niya sa loob. Paul

