Tahimik na nakaupo si Julie sa may desk ni Elmo. Hindi siya mapakali dahil any minute ay pwedeng umakyat ang magpisan sa kwarto ng lalaki. Altough hindi naman alam ng mga ito na may ibang tao sa loob ng bahay. Ang alam ng mga ito ay sila lang ang nasa bahay at nasa trabaho si Elmo at Maxene. "Kalabs..." Elmo moaned in his sleep. Napapitlag sa kinauupuan si Julie at lumapit sa lalaki. Nakita niya ay natutulog pa rin ito. Siguro ay nananaginip. "Mmm..." Umungol nanaman ang lalaki at inayos pa ang higa. Umupo si Julie sa gilid ng kama at pinagmasdan ang nobyo. Dumako ang tingin niya sa likod nito na nangingitim pa rin. Bumuntong hininga siya at lumapit para haplusin ang balat nito. Maingat siya para hindi magising ang lalaki. "Kawawa ka naman..." Maikling sambit niya bago maalala ang na

