Nagising na lang ako na tila ba naninikip pa rin ang dibdib ko. Napaigtad ako nang may makitang may 18 missed calls na si Hazel. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Tatawagan ko na sana siya nang may nag-doorbell. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin si Hazel na nag-aalala. “Oh, beb? What’s the matter?” Tanong ko kaagad nang pinapasok ko siya sa loob. “B-Beb,” she uttered, worried and about to cry. “Why? What’s the problem?" Kinakabahan na ako sa reaksyon at sa sasabihin niya. I’m sure there’s something wrong but I don’t know what it is. “Si. . . S-Si Marco.” “B-Bakit?” nagkandautal-utal na wika ko. “Naaksidente siya. . .” Natigilan ako. “A-Ano?” “Nabangga siya habang nagda-drive siya.” Napaupo ako bigla sa panghihina. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Hindi ko nam

