Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang muli kong makita si Aimee. Ang ibig sabihin ba no'n ay tama ang hinala ko? I have no idea why she’s here but for sure there’s a reason. Kailangan kong magsalita. Kailangan kong magtanong. “Aimee, is that you? Kailan ka pa nakabalik ng Pilipinas?” kunwaring gulat na tanong ko. Ngumiti pa ako upang maitago ang pagdududang nararamdaman ko. “Four months ago na rin,” she replied. I can barely feel the tremble on her voice. Tumango-tango ako. “Bakit ka nga pala nandito? May imi-meet ka?" Itinago ko ang tono ng kuryosidad sa pagtatanong ko. “Napadaan lang ako, actually. May bibilhin lang sana.” “Ah, gano’n ba?” Ngumiti ako nang pilit. “Let’s catch up soon!” “S-See you next time, Faye. Pakisabi kala Hazel at Ella miss ko na sila.” “Sure!”

