Josh’ Special Point Of View. Weekends ngayon at nagpaalam ako kay Faye na magma-mall lang ako dahil bibilhan ko siya ng regalo. For what? Nothing. I just really want to give her a present. Sinasama ko siya pero ayaw naman niya. Sabi niyang ako na lang daw kaya pumayag na lang din ako. Pagtapos kong kumain sa isang fast food chain restaurant ay nagpa-take out ako para kay Faye bago ako dumeretso sa blue magic at bumili ng human-size teddy bear. Palabas na sana ako roon nang may makabangga ako at nahulog ang dala-dala ko. Pagkaangat ko ng tingin sa nakabangga ko ay pareho kaming natigilan. Si Marco. . . Sa lahat ba naman ng makakabangga ko rito sa mall ay siya pa talaga? “Pasensiya na,” sabi ko na lang. “You’re Josh, right? Faye’s boyfriend?” He asked. I simply nodded. “Don’t let he

