Napabalikwas ako ng bangon. Nasaan ako?Ang huli kong natatandaan ay nakatulog ako sa labas ng----! Nanlaki ang mata ko.Unti -unting bumalik sa ala ala ko ang mga nangyari.Shit! Sino naman kayang magandang loob ang dumampot sakin sa labas ng bahay nina Duncan.Kinapa ko ang cellphone ko .May limang miss calls doon galing kay Lawrence,dalawa kay Sir Dallas at isa kay Tasha. Anyare?paano nakuha ng dalawang ito ang number ko. Pinalibot ko ang tingin sa kuwarto kung nasaan iyon.Malaki yun at very manly.May theme itong Blue and white .May ilang mamahaling painting din na nakasabit sa pader. Nakita ko ang labas sa bukas na bintana .Madilim na ang paligid.Nagugutom na ako.Pero kailangan ko munang alamin kung nasaang bahay ako at sinong dumampot sa akin. Akmang tatayo ako sa kama ng biglang b

