Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa ibaba..pagdating namin ni Rina kumain ako at nagpaalam na muling magpapahinga. Siguro dumating na yung ibang tropa nina Duncan..tumingin ako sa orasan..isang oras din akong nakaidlip.Sa totoo lang gusto ko ng umuwi..may iba naman pala silang kasama sinama sama pa ako.Masyado ng nasasayang yung oras ko dito. Bumangon ako at mabilis na naligo para mapreskuhan..balak ko ulit matulog..wala pa akong ganang makipagplastikan sa ibaba. Nagulat ako ng biglang bumukas ng marahas yung pintuan ng kwarto ko.Nakita ko si Theodore..napahawak ako sa tuwalyang nakabalot sa katawan ko ..Tinignan niya ang kabuan ko at mabilis na nag iwas ng tingin. "Don't go downstairs"...diretsong sabi niya. Gusto kong tanungin siya kung bakit pero mabilis din siyang um

