Nagising ako at namalayan kong nasa loob na ako ng isang kuwarto.Nilibot ko ang paaningin ngunit wala ang kahit sinong anino ni Theodore at ni Duncan.. Dahan dahan akong tumayo..nakasuot na ako ngayon ng mahabang T-Shirt ..malinis narin ang katawan at mukha ko..mukhang nilinisan nila ako bago ako dinala dito.Pagkatapos kasi ng lahat ay bigla nalang akong nawalan ng malay sa sobrang pagod. Naglakad ako papunta sa cr para magbihis...ramdam ko ang sakit sa mga kalamnan ko..pinakiramdaman ko ang sarili ko..mukhang kaya ko naman ... Mabilis akong nag shower at nagbihis...isinuot ko ang mga pambabaeng damit na nakita ko sa closet.inayos ko yung sarili ko...binalot ko sa panyo ang maliit na camera na nasa palad ko at mabilis na isinilid sa bulsa ng pantalon ko..tapos na ang misyon ko sa bahay

