AAAHHH! EEEHHH! IIIHHH! MY GOD! MY GOD! MY GOD! Muli akong impit na nagsisisigaw sa unan. May boyfriend na ako. Yeah! Ansaya ko! Ito na ata ang pinakamasayang birthday ko. Hindi dahil sa magagandang damit o sa mamahaling kuwintas na ibinigay niya kundi ‘yung fact na boyfriend ko na si Pierre Ryan Salvador. Wow! Napahawak ako sa kuwintas na ibinigay niya. Kumikislap ang mga diamanteng disenyo ng hugis puso nitong pendant. A warm feeling enveloped my heart. Pakiramdam ko, ‘yung pendant ay ‘yung mismong puso ni Ryan. At natagpuan ko ito, kusa niyang ibinigay at pinapaalagaan niya na sa akin ngayon. Nakakakilig naman talaga ‘yung ginawa niyang proposal kanina kaya sa gulat at saya ko ay tinalon ko na siya. Though, halik sa pisngi lang ‘yung ibinigay niya kanina bago siya umalis, still 'd

