“Sino naman ang tinakot mo? Ako ba? Baka hindi mo alam kung anong kakayahan ang mayroon kami? Hindi kami basta-basta matatalo ng pinagmamalaki mong mapapangasawa mo. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka dahil sa kulay ng mga mata mo ngayon. Pero hindi ako natatakot sa ‘yo,” matapang pa na sagot sa akin ni Dos. Mabilis niya akong sinugod dahil gusto niya ako na makuha mula sa kaniya. Ngunit hindi ako nagpatalo. Kahit hindi ako kumpiyansa sa kakayahan na mayroon ako ngayon ay sinubukan ko pa rin na depensahan ang sarili ko. Baka sakali ay magawa ko pa rin siyang malabanan. Mabilis kong iniilagaan ang mga atake niya para sa akin. Hanggang sa bigla na lang akong napatigil nang madakma niya ang leeg ko. Agad niya akong iniangat sa ere. “As much as I want to finish your life now, I w

