“Let’s go. You have to get out of this world tonight.” Tumango na lang ako kay Brickell nang sabihin niya ‘yon. Medyo kinakabahan ako ngayon kaya kumakabog ang dibdib ko. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan pa ako ngayon. Siguro ay dahil naiisip ko na baka hindi na naman ako makaalis sa mundong ito. Huminga ako nang malalim bago kami makalabas sa palasyo na ‘to. Sa oras na makalabas ay agad ko nang inilibot ang paningin ko sa lugar. Medyo madilim at kaunting mga ilaw lang ang nakabukas. Akala ko pa naman ay makikita ko kung gaano kaganda ang mundong napuntahan ko. May pulang sasakyan na nakaparada sa labas. Napakaganda ng sasakyan na ‘yon at talaga namang humanga ako. Hindi ko akalain na makakakita ako ng ganoong klase ng sasakyan sa personal. Sumakay na kami roon ni Brickell. Nang han

