Inilibot ako ni Brickell sa buong Cullfield. Pati pala ang mundo nila ay may sariling pangalan. Kung sa amin ay earth, dito naman ay cullfield. Tunog pa lang ay parang pangyayamanin na rin. Hindi halata na kakaibang mundo ‘yon at walang mag-aakala na ‘yon ang tinitirahan ng mga bampira. Saka ko lang naisip na parang may kakaibang kapangyarihan ang mga bampira na narito. Kahit hindi ko pa naman nakikita, alam ko na kakaibang uri ng mga bampira ito. Sobrang ganda ng mga gusali rito. Hindi katulad ng gusali sa mundo namin na mataas nga pero ang plain ng disenyo. Rito ay hindi gaano kataas ang mga gusali, ngunit sobrang lawak at ang ganda ng disenyo. Para bang high-technology talaga ang mga gamit nila rito at mas advanced kaysa sa nasa mundo naming mga tao. Ganito siguro kagaling ang mga bam

