[BRICKELL DMITRI’S P.O.V.] “What do you mean by that? Imposible na magkagusto ako kay Reign. Hinding-hindi ‘yon mangyayari. Lalo na at alam ko na magkaibang nilalang kami ni Reign. Hindi ako gagaya kay Ama na nagkaroon ng relasyon sa isang tao, kaya nabuo si Zaros,” sagot ko naman agad kay Gody. “The choice is yours. I already gave you a hint.” “Pero bakit bigla na lang daw naging asul ang mga mata ni Reign? Nakita rin mismo ng mga mata ko ang pagbabago sa kaniya. Bigla na lang parang lumakas si Reign at nagagawa niyang sugurin ang isang normal na bampira. Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kaniya at kung bakit nagkaroon siya ng marka ng pangil ng bampira?” tanong ko pang muli sa kaniya. Ngunit unti-unti nang naglalaho si Gody. “The answer is right in front of you.” Matapos niyan

