Tuloy pa rin ang pagpasok ko sa unibersidad. Dahil nahuli naman na ang pumapatay ay mas lalong naghigpit ang sekyuridad hindi lang dito sa unibersidad, kundi pati na rin sa buong mundo ng mga bampira. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Brickell. Nag-search din sila sa bawat lugar at mga bahay dito, para malaman kung may iba pa bang nakapasok na mula sa Simul Clan. Ginagawa ni Brickell ang lahat para mailayo sa peligro ang kaniyang mga nasasakupan. Sana lang din ay makita ‘yon ni Oldie, nang sa gano’n ay maisip niyang hindi totoo ang mga sinasabi niya tungkol kay Brickell at pati na rin sa akin. Lagi rin namang nakabantay sa akin si Jaira. Well, siya lang din naman ang pwede kong makasama rito at wala nang iba pa. “Sino naman ang mga nagbabantay sa buong mundo ninyo?” tanong ko naman k

