THE LIFE OF VAMPIRES BY: CALIVER DMITRI "You made here to this world, Reign? Paano nalaman ng libro na ito kung sino ako? At ano ang ibig niyang sabihin?" nagtataka pa na tanong ko sa aking sarili. Sino naman kaya si Caliver Dmitri? Parehas sila ng apelyido na mayroon si Brickell. Sino naman kaya siya? Text lang naman ang nakalagay sa unang pahina ng libro. Takang-taka ako kung bakit pangalan ko agad ang bumungad. Sadya kaya 'yon? Kumbaga bubungad ang pangalan ng kung sino man ang magbubukas ng libro na ito? Hindi kaya ay may magic din ito? Dahil nakuryoso ako ay binuklat ko ang susunod na pahina. Akala ko ay masisilaw muli ako kaya inihanda ko na ang aking mga mata, pero hindi naman. Ngunit kusa na lang umangat ang libro na 'yon na ikinagulat ko. Agad akong napalayo sa libro na 'yon da

