“Vampire World?! Ano ba talaga ang pinagsasabi mo?” hindi makapaniwala na tanong ko sa lalaki. Nginisian niya ako at bigla siyang ngumanga. Saka lumabas doon ang dalawang pangil niya! Napakusot ako sa aking mga mata nang makita ko ang dalawang pangil na ‘yon na biglang lumabas sa ngipin niya. Tapos ang kaniyang mga mata ay bigla na lang naging kulay pula! Hindi naman ‘yon contact lense o kung ano pa man! Sigurado ako na kulay brown ang mga mata niya kanina. Ngayon ay bigla na lang naging pula! Napahawak ako sa aking ulo dahil sumasakit na ‘to ngayon. Sobrang daming mga katanungan ang bumabagabag sa isipan ko ngayon. Hindi ko na alam kung maniniwala ba ako o hindi. “Hindi ka pa rin ba nagtataka kung bakit sobrang bilis naming kumilos kanina? Bigla na lang kaming lumilitaw sa harapan mo

