“Ihanda niyo na lahat ang inyong mga armas! Dahil ito na ang araw na papatayin natin ang lahat ng mga bampira na narito!” sigaw naman ng lalaki na nasa una. Pakiramdam ko ay siya ang tinuturing nila na pinuno. “Reign! Ano pa ba ang ginagawa mo riyan? Tara na! Tumakas na tayo habang may natitira pa tayong oras na makaalis dito,” tawag naman sa akin ni Jaira ngayon. Ang mga bampira sa paligid ay nagkakagulo na. Natatakot din sila, katulad ng mga normal na tao. Mga natatakot sila na baka may mangyari na hindi maganda sa bawat buhay nila. Nagtatakbuhan at nagsisigawan sila. “Reign!” tawag pa muli sa akin ni Jaira. Nilingon ko naman siya. “Kailangan mo nang magtago ngayon pa lang, Jaira. Iligtas mo na ang ‘yong sarili. Mukhang malaki-laking giyera ang magaganap ngayon dito sa mundo na ‘to,”

