Lumipas ang ilang buwan, habang patuloy pa rin si Alex maghanap ng trabaho kahit buntis ay lumapit sa kaniya si Danilo na may pag-aalinlangan ang mukha. Napatingin si Alex. "Oh bakit, Dan?" tanong ni Alex habang naglalaro ng ROS sa cellphone. "Gusto ko pa lang magpaalam sa 'yo. Parang bakasyon lang," sabi ni Danilo. "Huh? Ngayong buntis mo pa ako iiwan? Gago ka ba ha!?" sigaw ni Alex at itinigil bigla ang paglalaro. "Whoa! Chill down, baby! Alam ko na mahirap mahiwalay sa inyo, pero alam ko naman na malakas ka at parang tomboy kaya kakayanin mo naman e. I still believe in you," sabi ni Danilo. Biglang hinampas ni Alex ang kamay sa desk nang malakas na medyo ikinatakot ni Danilo. "Huwag mo akong galitin, Danilo! Hindi oras ng pagbibiro ngayon! Baka makatikim ka sa akin ngayon lalo na n

