Danilo's POV Dahan-dahang bumukas ang aking mata na tila ang sakit-sakit ng ulo ko at hindi ako makagalaw. Ang katawan ko ay parang nagulpi nang sobra, may band aid pa ako sa ulo na hindi ko na maintindihan. Ano'ng nangyari? Nakapatong ang paa ko sa bakal at una kong nakita si mama. "Danilo, anak. Kumusta ka? Nakikilala mo pa ba kami?" tanong ni mama sa akin. Pinilit kong makakita muli dahil medyo blurred ang paningin ko. Nakita kong nakaupo sina Isabelle, Anna at ang mahal na mahal kong babae na si Alex. "What happened to me, 'Ma?" tanong ko at pinilit kong bumangon, pero mas lalong sumakit ang ulo at katawan ko kaya pinakalma ako ni mama. "Na-car accident kayo ng papa mo," iyak ni mama na ikinagulat ko. Ang naaalala ko lang ay nasa gitna ako ng sasakyan at nasa front seat si papa n

