Alex's POV Kinaumagahan ay kaagad kong niligpit ang mga gamit ko sa maleta at mga damit. Masaya, pero tinitingnan ko ang buong paligid ng bahay kasi isasarado ko na siya. Baka tuluyan ko na rin ma-miss ang mga alaala ni inay; mama's girl kasi ako. Nang pagpunta ko sa computer shop ay kaagad akong sinalubong nina Steve at Alfred, marami ring mga batang lalaki ang nakaantabay sa labas. "Mam-miss ka namin, idol. Hindi kami makapaniwala na aalis ka na," sabi nina Steve at Alfred. "Okay lang 'yan, marami talagang magbabago. Ipauubaya ko na sa inyo itong computer shop. Chat niyo lang ako ha, dagdag din sa kita niyo ang kinikita niyo rito," sabi ko. First time kong aalis sa probinsya makalipas ang 22 years. Sabi kasi ni mama noong two years old pa lang ako ay nakapang-ibang bansa ako kasama

