Vanna's POV Nakatingin ako sa malayo sa oras na iyon, nakaupo lang ako sa isang chaise kung saan nakatapat ang dagat. Tahimik ang paligid dito sa Cartagena, walang masyadong tao, walang ingay at madalas, malalaki ang mansion sa gilid ng dagat. Ilang araw na rin akong nagpapalipas dito kina Kenneth, madalas itong wala dahil abala sa lakad nito. But in that moment, hindi ito umalis at sinabi niyang ipapasyal daw niya ako sa Cartagena. It's already nine o'clock in the morning, maaga akong nagising sa oras na iyon kaya hindi kataka-taka na wala pang tao sa salas, nasa kusina naman ang mga katulong ni Kenneth na abala sa mga gawain. "Good morning." Narinig ko mula sa'king likuran, agad akong napalingon dito. Ngumiti ako sa kaniya. Dahan-dahan itong lumapit at tumabi sa akin. He passionatel

