Magnus' POV Nasa kahabaan kami ng daan sa mga oras na iyon, nakasakay pa rin kami sa motorsiklo. Nakakapit si Vanna sa beywang ko, halatang takot na takot sa pagpapatakbo ko sa motor. "Malapit na tayo." Sambit ko rito. Papunta kami sa hide out ng grupo. Doon sa tagong lugar namin nina Jay. "Don't move, Vanna. Bibilisan ko pa ang takbo." Sa pagkakataong 'yon ay nag-full speed na ako sa pagtakbo. Gan'on din ang pag-iisip ko kung paano ko ito lulusutan. Alam na ng lahat ng nasa organisasyon ang ordeal na dapat patayin si Vanna. f**k them! Isa sa mga rules ng organisasyon na dapat iexecute ang isang ordeal, lalo na kapag napagkasunduan ng tatlong pinuno. Ang triad. Ang pangunahing lider na tinatawag nilang Santo, ang ikalawang lider na nagngangang Helena at ang pangatlo na isa sa mga ana

