Napag pasyahan kong dumaan sa chapel ng simbahan upang mag pasalamat kay bro dahil na mimiss kona ang mommy at daddy ko madalas, kaming mag punta ni mommy dito sa chapel ng simbahan nung kasalukuyang andirito pa sila sa plilpinas, wala kasi ang mga magulang ko sa pilipinas ngayon, Nag tungo sila sa England dahil andun lahat ng mga kamag anak namin sa side ni Daddy, ako na lang ang natira dito dahil kasalukuyan akong nag aaral sa kolehiyo, malapit naman na akong mag tapos pero humiling ako sa mga magulang ko na dito ako mag stay iba parin pag nasa sariling bansa.
Pag labas ko ng chapel at nag tirik muna ako ng kandila sa gilid ng chapel ng may nahagip ako ng tingin, matangakad, maganda ang pangangatawawan at chinito ang mga mata, sya yung naka sama ko sa event na ginanap sa shangrilla hotel, co model ko sya, may kasama syang may edad na babae mukhang nasa fifthies na ito pero maganda at sopistikada ang ang naturang dating nito.
*******
Sinundo ko si Mommy dahil nag pa bless sya ng white gold necklace na saint benedict, na regalo sa kanya ng kapatid nya, ng mahagip ng aking paningin ang maganda naming kapit bahay, nginitian ko sya ganun din ang ginawa nya saakin. Tumalon ang puso ko sa tuwa napapa isip ako kung lalapitan ko ba sya at aalukin na sumabay sa amin ni mommy na umuwi, pero parang natulos ako sa kinatatayuan ko at tinubuan akong hiya.
********
Pumara ako ng taxi papuntang super market dahil kailangan ko ng bumili ng mga stock sa bahay, may edad na ang yaya Amy ko kung kaya ako na ang nag pupunta sa super market para mamili ng aming mga kailangan sa bahay.
Si yaya Amy ang nag alaga saakin nung maliit pa ako hangang ngayon, sya ang kasama ko, nanay na ang turing ko kay yaya Amy, may isa itong anak na babae pero nasa probinsya nila kasama ang lola nito.
Isa lang ang naging anak nya, sabay kaming lumaki ni azelhea parang kapatid na ang turing ko sa kanya, pero mas pinili na nitong manatili sa probinsya nila dahil walang kasama si Lola mary na nanay ni yaya Amy.
Inilabas ko ang listahan ng mga kailangan kong bilhin sa super market at inisa isa ang mga iyon, linguhan ako kung mamili ng mga kailangan namin sa bahay, dalawa lang naman kami ni nanay Amy kaya hindi kami makunsumo, kung minsan sa labas kami kumakain dahil ayokong napapagod ang nanay Amy ko dahil may edad na din ito.
*******
Nakarating ako sa bar ng mag aalas otso na ng gabi sinamahan ko pa kasi ang mommy mamili ng pasalubong sa tita ko, nilapitan ko ang kaibigan kong si Zanthy na may kausap sa cellphone tinapik ko ito upang batiin.
Hey man’’ Happy Birthday where’s the others? Ngumiti lang sya at sumenyas na sa vip room daw ang iba pa naming mga kaibigan, tinanguan ko sya at tumungo na sa vip room ng bar.
Pag pasok ko sa loob ng vip room nakita kona ang tatlo kong kaibigan,si Winter,Nic at Zi may kasamang at may mga kasama silang mga babae mga co models and school mate din namin.