Ilang saglit pa ay may lumabas na ang waiter sa kabilang kwarto, at agad naman itong tinawag ng mag kakaibigan, upang kausapin. " Kuya hindi pa ba sila tapos uminom sa kabila?". Usisa ni Hummy sa kausap nito. " Ahh, ma'am kayo po pala, hindi pa po sila tapos mag inom pero, pinapasara na po nila yung bar sa baba, lilipat daw po sila doon sa baba , mukhang may darating pa po kasing bisita yung mga babae kaya hindi na sila kasya sa kabila". Anito sa dalaga. Agad naman itong inabutan ni Hummy ng pera para hindi daw ito mag ingay, nakilala naman din nito ang magkakaibigan, kaya tikom ang bibig nito para mag sumbong sa mga amo ng mga ito. " Kuya huh!!, wag kang maingay na may sorpresa kami sa kanila huh!!". Ani pa ni Hummy. " Girls, na alala nyo yung sinayaw natin nung college? Yung mga na

