"Hi" nginitian ko ang babaeng katabi ko sa upuan na walang iba kundi ang kapit bahay ko na ultimate crush at kasama sa modeling agency.
saan ang punta mo? tanong ko sa kanya natutuwa ako pag masdan ang reaction ng mukha nya dahil pulang pula parin ito, iniisip nya siguro yung itsura nya kanina habang natutulog sya at mapadapo sa gitna ng mga hita ko, na iiling na lang ako sa reaksyon nyan.
"hi" ganting bati nya rin sa akin, ngumiti ng ubod ng tamis, parang nalaglag ang puso ko,and i think im truly madly deeply in love.
"Sorry ahh!! napa sarap kasi yung tulog ko hindi ko namalayan" kamot ulong tugon ng dalaga.
" Ok lang yun.. Rein." Pag papalubag loob ng binata dito.
"A ano nga ulit yung name mo? ilang bese na kitang nakasama sa ilang mga shoots pero hindi ko parin alam name mo" usisa pa nito sa binata.
"Im Brix Andreius S. Madrigal" pag papakilala naman ng binata dalaga at nginitian ito ng ubod ng tamis.
"Im Rein Hermioney M. Dela Paz " ngiting balik nya naman ng dalaga sa binata.
"Finally mag kakilala na din tayo Rein, saan nga pala ang punta mo?." kuryosong tanong ng binata sa dalaga, nakaka amaze talaga ang ganda nya dati sinisilip ko lang sya mula sa bintana ng cr ng kwarto ko, ngayon kaharap ko na sya mas maganda sya sa malapitan, angelic face, she's my ultimate crush since grade school until now, marami man akong naka fling pero sya parin ang ultimate crush ko sa lahat, hindi na nga simpleng pag hanga ang nadarama ko eh, im inlove at ako ang lihim nyang stalker, nasa ganun akong pag iisip ng sumagot sya sa tanong ko.
"Sa stilts ako pupunta dun kasi ang venue ng shoot ng commercial na pupuntahan ko" tugon ng dalaga sa tanong ng binata.
"Sa stilts??? kung sine swerte nga naman baka isa sya sa cast ng i sho-shoot naming commercial anang isip ko.
"Dun din ang punta ko sa shoot ng commercial" anang binata habang nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ng dalaga at agad din naman itong ngumiti, masaya sya at may makakasabay sya papunta sa lugar kung saan din ang tungo nya at masaya din ang puso nya dahil ang dalaga ang makakasama nya.
"Mabuti at may makakasabay pala ako papunta dun hindi kasi ako familliar pano mag commute papunta dun eh" its good to hear na dun ka rin pala pupunta, i have my companion now." Ani pa ng dalaga.
buong ngiti ko syang nginitian mukhang magiging maganda ang byahe ko papuntang batangas kasama ko pa si crush.. ngiting ngiti akong sa na iisip ko, pakiramdam ko ay may lumitaw na puso sa dalawa kong mata.
"bakit kaya hindi pa tayo umaandar ano kayang problema?" takang tanong ng dalaga sa binata.
"Mukhang nasiraan yata, kasi bumaba yung driver mukhang nagka problema yung gulong" balik na tugon ng binata.
"Gusto mobang bumaba para maka pag stretch?" Paanyaya ng binata sa dalaga.
"Gusto ko sana mag cr, may cr kaya sa baba?" Anas ng dalaga sa binata.
"Tara Rein baba tayo samahan kitang mag hanap ng cr baka may kainan din sa baba, para makakain na din tayo, it's almost dinner time." Yakag ng binata sa dalaga. agad naman silang bumaba at halos lahat din ng kasama nila ay nag bababaan na rin, kinuha muna ng dalaga ang maliit na bag nito at ang pera at cellphone nito at nag patianod na sa pag baba, upang maka pag hanap ng banyo, "Ate may cr po ba kayo sa loob?" tanong ng binata sa tindera. "Dun sa likod pogi andun ang cr" tugon naman ni ate sa tanong ng binata at nag pa cute pa.
"Tara Rein sa likod daw yung cr" yakag naman ng binata sa dalaga, pinauna na ni Brix mag cr ang dalaga, upang mabantayan at sa gilid nalang nag bawas ang binata, batid kasi nito ang mga mata ng grupo ng kalalakihan na panay ang tingin sa dalaga.
"Brix andyan ka ba sa labas?" Tanong nito mula sa loob ng cr.
"oo Rein andito lang ako sa labas" Sagot naman ng binata dito.
"Dyan ka lang Brix baka kasi may mag bukas ng pinto wala kasing lock yung pinto ng cr."
"Oo.. Rein dito lang ako babantayan kita." hindi ako umalis sa labas ng cr hanggang hindi pa sya lumalabas napansin ko kasing andun parin ang grupo ng mga lalaking panay ang tinging sa dalaga, kahit naka Jogging pants at T shirt lang kasi ito ay hindi ma i kakaila ang ganda nito, wala itong kahit na anong pinahid na make up sa mukha ,but still she's beautiful indeed. Pag labas nya ng cr ay ni yakag na ito ng binata papuntang kainan.
"Ahmm Brix ndi ka ba mag c cr?" tanong pa ng dalaga sa binata. "hindi na Rein hindi naman ako na iihi eh," tangin naisagot ng binata, at tumango naman ang dalaga bilang tugon, ayoko sya iwan dahil baka, may maka lapit sa kanya at mag pakilala, kanina ko pa kasi na papansin yung lalaki sa tapat ng upuan namin, panay ang sulyap nito sa kanya, kasama sya sa grupo ng mga kalalakihan na panay ang sulyap sa dalaga, mukhang kailangan ko pang pag igihin ang pag babantayan dito, mahirap na baka maagawan pa ako.
*******
"Anong kakainin mo Brix?" tanong ko kay Brix, medyo busog pa naman ako pero kailangan ko na din kumain ng dinner, may nakita akong nilagang saging, may baon naman akong sandwich sa bag kaya saging at tubig nalang ang binili ko.
"Yan lang kakainin mo Rein? mag kanin ka na din kaya', its dinner time na, my treats Rein" anang binata.
"ok lang ako brix may baon din kasi akong sandwich sa bag ko, ok na ako sa nilagang saging mamaya na lang ako kakain pag dating natin dun." na pakunot noo naman ang binata at napaisip ito kung nandidiri ba ang dalaga or ayaw lang talaga kumain, napansin siguro ng dalaga ang iniisip ng binata kaya sinagot nya ang nasa loob ng binata.
"Hindi ako nandidiri Brix ahh, baka yan ang iniiisip mo hindi ako maselan sa pagkain" natatawa nyang tugon sa iniisip ng binata.
"Hahahaha!!" natawa naman ang binata sa tinuran ng dalaga, parang mind reader ito at nabasa nito ang tumatakbo sa isip nito.
"bakit ayaw mong kumain ng kanin? gusto mo mag cup noodles ka na lang?" suhestyon naman ng binata sa dalaga. "sige mamaya na lang natin kainin yung sandwich na baon ko" ngiting saad naman ng dalaga sa binata.
"ikaw ba ang gumawa ng sandwich mo? Usisa ng binata dito.
"Yup" at nag thumbs up, pa ang dalaga
*******
Ang ganda nya talaga ang sarap pagmasdan ng maamo nyang mukha. ng matapos na kaming kumain ay umakyat na kami sa bus at na upo sa pwesto namin, tuluyan ng naayos ang gulong ng bus na sinasakyan namin kaya naman naka alis na kami sa naturang lugar, habang nasa byahe kami ay panay ang tawa naming dalawa, masaya syang kausap walang arte simple lang sya, mas maarte pa yung mga kakilala kong mga modelo na nakasama ko like vanessa, sa nakikita ko sa kanya sya yung taong walang masamang tinapay, tulad ko ay solong anak lang din rein at kasalukuyang nasa london ang mga parents nito, kaya pala hindi ko na nakikita ang mga ito sa bahay nila. hindi ko na din sinabi sa kanya na mag kaibigan ang mga parents namin, at madalas mag bonding ang mga parents namin bago pa pumunta sa london ang parents nya, medyo mahaba na rin ang itinakbo ng pag uusap namin, mula sa mga simpleng bagay na pagkakatulad namin, tulad ng aming kaarawan, yes!! Bata palang kami ay pinangarap ko ng sya ang destiny ko, mula sa pasimpleng pag tanaw sa malayo at pag hihintay sakanya na umuwi sa manila tuwing bakasyon, at lahat ng iyon ay ako lang ang nakaka alam, sya din ang dahilan kaya hangang ngayon ay hindi pa ako nag kakaroon ng nobya, she's my ultimate crush.
"Malapit na tayong bumaba fix your things baka may makalimutan ka. kinuha ko na din yung bag ko sa taas ng compartment ng bus, "itong maleta at itong shoulder bag lang ang dala ko, tinupi nya na yung kumot nya at nilagay sa maleta nya. kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa para tawagan ang kaibigan kong si Winter sya kasi ang may dala sa van na sinakyan nila papunta sa stilts, nka tatlong ring bago nya sinagot, "Hey dude asan kana ba? ang ganda ng view dito busog na busog kami sa dami ng views, "
" baka ibang view yan sinasabi mo winter?." Anas ng binata sa kaibigan nito, "andito na kami sa bus station dude, call me if you already here". At ibinaba na nito ang tawag.