Isang buwan din akong namalagi sa u.k, kasama ang mag iina ko at ang pamilya ng babaeng pinaka mamahal ko, nag desisyon kaming bumalik na sa pilipinas pero bago kami umuwi ay bibisita muna kami sa mga magulang ko at kay grandpa upang makasama nila ang mga apo nila. " Ayy ayan na ang mga apo ko". Masayang salubong ni grandpa sa mga apo nito. " Grandpa si rein po pala, ang ina ng gwapo at maganda kong anak." Mayabang na pagpapakilala nito kay rein. Agad naman lumapit ito kay granda at nag mano, ganun din sa mommy at daddy ko, tuwang tuwa ang mga ito sa pag bisita ng mga apo nito sa kanila, ganun din ang mga kapatid ni mommy at daddy, dahil unang apo ay magiliw na magiliw ang mga ito sa mga anak ko, si marc pa lang kasi ang ikinasal sa aning magpipinsan at ako naman ang unang nag kaana

