Precious gift

1440 Words
Mabilis na lumipas ang mga buwan at araw, isang buwan matapos manganak ni Lora ay si Rein naman ang nag silang ng isang malusog na batang lalaki na pinangalanan nyang venthuz haelixz, at tanging ang pinsan ng nanay amy niya at ang lola mary nya ang katuwang niya, mula manganak sya hanggang ngayon isang buwan na ang anak nya, hindi na sya nag abala pang makibalita sa binata, kasalukuyan itong nasa america kasama ang magulang at ang abuelo nito, pinili nyang makipag hiwalay sa binata ng mahuli nya ito at si vanessa sa condominium na tinutuluyan ng dalaga, walong buwan na ang tiyan niya ng mag paalam ang binata na aalis papuntang america sa kadahilanang isinugod nanaman ang abuelo nito sa hospital, ngunit laking pagtataka niya ng hindi sya nito pinayagang sumama sa pag hatid sa airport, ilang araw bago ito ay nag paalam ang binata na aalis at napupuna nyang may kakaibang sa ikinikilos ng binata, may inililihim ang binata sa kanya, kaya naman pag alis nito ay sinundan nya ito, at laking gulat nya ng pumasok ito sa gusali na malapit sa dating paaralan nila. Hindi nito napansin ang presensya ko hanggang makita ko ang pag salubong dito ni vanessa, at niyakag ito paakyat sa itaas ng unit nito, out of curosity ay tinanong ko ang gwardya kung kilala nya ba ang babaeng may kausap na lalaki, nakita ko kasing nakikipag biruan si vanessa dito kanina, kaya naman nag panggap akong kaibigan ni vanessa kaya nagawa nitong maituro ang naturang unit ng dalaga, kaya umakyat ako para malaman ang dahilan ni brix sa pag punta kay vanessa, ng mahanap kona ang unit na itinuro ng gwardya ay tumigil ako harap nito, huminga muna ako ng malalim upang kumatok, ngunit nakita kong hindi naka lapat ang pinto nito, kaya naman dali dali akong pumasok sa loob, at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita kong hubad baro ang dalawa, kaya napa hawak nalang ako sa aking bibig upang pigilan ang pag hikbi sa aking pag iyak, gulat naman na nag mulat ng mata si Brix at pinahinto ang dalaga sa ginagawa nito sakanya, bakas ang gulat takot, at pagkalito sa mukha nito ng makilala ako, wala na akong nagawa kundi ang mapahagugol sa sakit na nadarama, habang nag hihinagpis ako ay sya naman ngisi na mababakas sa mukha ni vanessa, agad na akong lumabas at nag mamadaling sumakay sa elevator upang maka alis na sa gusaling iyon, ni sa panaginip hindi ko na isip na magagawa saakin ni brix ang ganoong klaseng bagay, ang buong akala ko ay tanggap nya ako at ang bata sa sinapupunan ko, kaya naman pag uwing pag uwi pa lang ay nag impake na ako ng mga gamit at nilisan na ang lugar kung saan masaya ang naging bahagi ng buhay ko, agad ko naman tinawagan ang pinsan ni nanay amy na si aunti beatrice na ina ni bella, at tinungo ang tinutuluyan nito dito sa manila. ****** Nasa labas ako ng silid namin ni Rein ng marinig ko ang pag tangis nito. "hindi ko matatanggap ang batang iyan." Ani rein sa kaibigan nitong si Hummy. "Nasasabi mo lang yan dahil sa galit na nararamdaman mo Rein, yang batang yan na lang ang matatawag mong pamilya." Ani pa ni Hummy. " Hindi ko matatanggap yang batang yan dahil anak yan ng rap*st na si brix, ilayo nyo sa akin yan ayoko sa batang yan ipaampon nyo yang batang yan, ayoko sa ama ng batang yan. Ipapakulong ko sya. Nag wawalang saad ng dalaga. Parang pinag sakluban ng langit at lupa si Brix sa narinig mula sa dalaga, hindi maatim ng binata ang galit ng dalaga para sa kanya, lalo lang syang nasaktan sa isiping pati ang anak nya ay kinamumuhian nito, napaupo na lang sya sa sahig, at tumangis nag angat lamang sya ng ulo ng may batang humawak sa pisngi nya, pinakatitigan nya ito ng maigi na siyang ipinagtataka nya, dahil kamukha nya ang batang nasa harap nya at nakangiti itong nakatingin sa mukha nya, at kinausap sya nito. " Ikaw po ba ang daddy ko? Ma usisang tanong ng bata sa kanya, nangunot naman sya ng noo sa tinuran nito sa kanya, bakit naglalakad na ito, gayong bagong panganak pa lang naman ito, agad namang tumakbo ang paslit na animoy nag papahabol sa kanya, agad naman sya tumigil sa pag iyak at sinundan ang bata kung saan ito nag punta, nakita nyang may babaeng humawak sa braso nito at dinala ito palayo sa kanya, ang tanging narinig nya nalang ang paghingi nito ng tulong. " daddy tulungan mo po ako ilalayo nya po ako sa inyo.. DADDY." Napabalikwas naman sya ng bangon, mula sa pagkakahimbing sa pag tulog, madalas nyang mapanaginipan ang batang iyon at laging humihingi ng tulong mula sa kanya, imposibleng ito ang anak nya dahil bagong panganak pa lang ito, ngunit ang ipinagtataka nya ay kamukhang kamukha nya ang batang iyon, ganoong ganoon din ang hitsura nya noong maliit pa sya, ngunit ang bibig nito ay nakuha sa ina, maliit at natural na mapula. Wala na syang nabalitaan sa dalaga buhat ng umalis ito sa unit ni vanessa, hindi nya na rin nakuhang sundan pa ang dalaga dahil ilang oras na lang ay lilipad na sya papuntang america, pinapunta nya ang mga kaibigan nya nung araw din na iyon upang tignan ang lagay ng dalaga, ngunit laking gulat ng mga ito ng wala ng abutan sa naturang lugar ang mga ito, tatlong buwan na ang nakakalipas kahit ang mga kaibigan ng dalaga ay hindi alam kung saan nagtungo ito, pinapuntahan nya din sa mga kaibigan nya ang bahay ng lola mary nito sa probinsya, ngunit wala din ang dalaga doon. ******* Mabilis na lumipas ang mga araw parang kailan lang ng ipanganak ko si venthuz ngayon isan taong gulang na ito, Kasalukuyan akong nag iimpake ng mga damit ko may project na ibinigay sa akin si tita mariole at sa london ito gaganapin. " Rein pagkakataon mo na ito para mahanap ang mga magulang mo, wag ka ng tatanggi dahil ikaw talaga ang napili nila para mag indorse ng bubuksan nilang clothing line sa u.k." ani tita mariole. hindi ko sinabi kay tita mariole ang tungkol sa anak ko, at nakiusap din ako sa kanya na wag sasabihin kay brix na nakakapag usap kami dahil ayoko ng magkaroon pa ng ugnayan sa pagitan namin, hindi din naman talaga kami bagay sa isa't isa dahil hindi naman sya ang tunay na ama ng anak ko, ayoko rin na dumating kami sa punto na, balang araw ay isusumbat din nya ang bagay na iyon saakin. Ngayong araw na ito ang alis ko, papuntang london, masakit man sa loob kong iwan ang anak ko ngunit kailangan ko itong gawin para sa kinabukasan nya at pagkakataon na din ito para mahanap ko na ang aking mga magulang, bago pumasok sa departure ay niyakap ko ng mahigpit ang anak kong si ventus, wala pang kasiguraduhan kung kailan ako makakabalik, hindi pa man ako nakaka alis ay nagungulila na ako sa anak ko, ito ang unang beses na maghihiwalay kaming dalawa, masakit pala ang ganitong tagpo ang iwan mo ang mahal mo, sana mabilis kong magawa ang trabaho ko dun at mabilis akong maka kuha ng balita tungkol sa mga magulang ko, para makabalik na ako agad at hindi na mahiwalay pa sa anak ko, nag iwan lang ako ng mensahe sa mga kaibigan ko upang malaman nilang iiwan ko ang anak ko, ng saganoon ay matignan din nila habang wala ako, inilihim lang namin ng mga kaibigan ko ang kinalalagyan ko, hindi nila sinabi sa mga kaibigan ni brix ang tungkol sa akin at nag panggap silang hindi alam ang kinaroroonan ko ganun din si bella, nag tungo kasi ang mga kaibigan ni brix sa probinsya kung saan kami pagpunta ngunit tikom ang bibig ni bella sa kinaroroonan ko at ng anak ko, naglakad na ako papunta sa departure area, matapos kong mag paalam kay nanay bea at bella ay hindi na ako nag abala pang lumingon dahil parang pinipiga ang puso sa isiping iiwan ko ang anak ko, mas lalo pa akong napatangis ng marinig ko ang pag ngawa ng anak kong si venthuz, dont worry baby, babalik din si mommy, at sa pag balik ni mommy sisiguraduhin ko ng kasama na ang granny at grandpa mo, i love you anak ko, kahit nagmula ka sa kawalanghiyaan ng ama mo na hindi ko alam kung sino, ay mahal na mahal kita, ikaw lang ang buhay ko, ang dahilan kaya ako lumaban sa buhay, i love you my precious gift.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD