Chapter 06

1826 Words
Pumunta ako sa Kitchen at nakita si Phiana na ngiti ngiting pinipindot ang kanyang selpon‚ sanaol pinapakilig ket walang label Napailing nalang ako at binuksan yung ref‚ nakita kong may isa pang mansanas na natira kaya kinuha ko ito Aalis na sana ako ng makita ko si Piranha na nagpipigil ng tawa tsk‚ kilig yarn? “yiie nagpapauto nanaman yung kilala ko dyan” sabi ko habang kumakain ng mansanas “inggit ka lang‚ kasi walang lumalandi sayo” sagot nito‚ ako maiingit? Never at bakit naman ako maiingit trulab ba yan? “anong walang lumalandi sakin‚ meron din noh tamad lang talaga akong ientertain psh sige lang ngiti ngiti ka lang dyan iyak later” “iyak later daw baka naman pakasal soon‚ tsaka pwede ba leave me alone‚ ginugulo ako palibhasa kasi dika krinushbak ni pinsan eh!” sabi nito‚ namemersonal na 'to ah “ikrukrushbak din ako nun maghintay ka lang” sabi ko with full of confidence “kung ako sayo wag ka nalang umasa dahil baka sa huli siya at si Liah ang magkakatuluyan” sabi nito‚ tangina masasabunot ko 'to bakit ba kasi pinasok niya si Keius sa usapan‚ ako tuloy yung napikon “panira ka talaga kahit kailan noh tsaka anong sila ang magkakatuluyan sa huli syempre hindi ako papayag! ighost ka sana ng ka talk mo ngayon!” inis na sabi ko pero tumawa lang ito ng mahina “hayst ikaw yung nauna tapos ikaw yung pikon‚ lumayas ka nga sa harap ko” natatawang sabi nito‚ kung hindi lang to napamahal sakin siguro nasampal kona “tandaan mo 'to piranha kapag ako talaga krinushbak ni Keius sasapakin talaga kita ng bonggang bongga” sabi ko at naglakad paalis “wag ka ng umasa may jowa na 'yon tanga ka talaga” sigaw niya‚ oo tanga ako at tanggap kona “wala akong pake” sigaw ko pabalik umakyat ako sa taas para makapag pahinga‚ bubuksan ko na sana yung pinto ng kwarto pero may biglang humawak sa kamay ko Tinignan ko kung sino 'to at nakita si Kiero na nakangisi ampota ano bang ginagawa ng mokong na 'to‚ marahas kong tinanggal ang pagkakahawak nito sa kamay “anong problema mo?” tanong ko pero tinitigan niya lang ako‚ tila ba parang nangaakit‚ baliw na ba 'to? O malala na? “wag mong sabihing may gusto ka sakin” sabi ko at pinaningkitan siya ng mata‚ sana wala dahil ayokong masaktan siya dahil si Keius lang talaga ang mahal ko at nilalaman ng puso magpakailanman... hindi magbabago ang sinisigaw nito aking puso magpakailanman‚ magpakailanman‚ magpakailanmahaann! “kung sabihin kong oo sasamahan mo ba ako sa kwarto ko?” nakangiti nitong sabi habang titig na titig parin sakin‚ gago talaga tong manyak na to “pwede ba wag mo akong idamay diyan sa kahornihan mo‚ tumabi ka nga” sabi ko at binuksan yung pinto ng kwarto ko “osige diyan nalang tayo” sabi nito at tinangkang pumasok kaso naharangan ko siya ang rumi talaga ng utak neto eh “hoy Kiero kung nahohorny ka pwes maghanap ka ng iba— “pero ikaw yung gusto ko‚ please baby ket ngayon lang” parang nagmamakaawa nitong sabi‚ malala na'to epekto ata ng walang maiwalwal tapos anong sabi niya baby pfft haha laughtrip “umayos ka Kiero‚ itulog mo yan” sabi ko at sinarahan siya ng pinto sabay lock hayst mahirap talaga pag may kasama kang manyak sa iisang bahay “paisa lang naman eh‚ damot mo talaga Winslet!” sigaw nito sa labas‚ makapagsabi ng madamot kala mo naman mapagbigay “hoy anong pa isa? Anong nangyayari diyan?” rinig kong sigaw na tanong ni Sophia haha lagot na “pa isang game yun ma‚ kahit kailan talaga ang rumi ng utak niyo” napailing iling nalang ako dahil sa sagot ni Kiero Maya maya nakarinig ako ng yapak paalis kaya napanatag ang loob ko‚ dumapa ako sa kama ko at kinuha ang aking selpon ‘kumusta naman kaya si Keius ngayon? ano kayang ginagawa niya? Sana naman hindi magkatotoo yung sinabi ni Phiana kanina’ sabi ko sa utak ‘bakit ba kasi may Liah pang nageexisted diba?’ tanong ko sa utak Binuksan ko ang aking selpon at nag online‚ nakita kong online si Keius kaya napangiti ako at agad itong chinat omg blessing‚ minsan lang kasi to nag oonline mga once a week o hindi kaya 3 times a month haha di talaga mahilig mag sss‚ yung prof niya nga eh hindi pinapalitan‚ last 5years pa ata yun ih! ‘Good evening mahal kong asawa’ sabi ko‚ malandi ba ako? ‘Oo selp malandi ka pagdating kay Keius pero sa iba tamad kang humarot‚ ang loyal mo talaga sa crush mo’ sabi ko sa utak‚ kaya mahal ko sarili ko eh pati sa crush loyal After 100 years na paghihintay tumunog na din ang messenger ko kaya ngiting ngiti ko itong binuksan baka si Keius na 'yon waaaahh ‘React ? to your message’ Ampota thumbs up pers taym niya ba magpeysbuk o jejemon lang talaga? ‘luv naman‚ replayan mo ko pls.’ sabi ko ‘uhm btw kumusta kna? Mahal mo na bako?’ dagdag na chat ko‚ maya maya sineen niya na ito kaya naghintay ako ng replay niya‚ after 5 mins na paghihintay nakita kong naglog out na ito‚ tsk nakakabwisit talaga yung lalakeng 'yon hayst kaiyak naman‚ wala talaga siyang pake sakin‚ matutulog na nga lang Kinabukasan nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama saking mga mata‚ kinapa kapa ko yung selpon ko kung saan ko nilagay kagabi habang nakapikit parin‚ yung kagigising mo palang pero selpon na agad Kinuha ko ito at tinignan yung oras‚ napabalikwas nalang ako ng bangon ng makitang 7:30 am na pala ‘ano ba yan bakit walang alarm clock na tumunog‚ bakit hindi ako binangon ni Sophia?’ sabi ko sa utak dumiretso na ko sa banyo para magtoothbrush Pagkatapos ko sa banyo nagsuot na'ko ng black riped jeans‚ over sized shirt at sinuot ang aking sneakers kinuha ko ang bag ko at lumabas sa kwarto “good morning babe” biglang sulpot ni Kiero‚ ayan nanaman aga-aga nambwibwisit tapos ano daw babe? Haha call sign ng mga manloloko “tigilan mo ko Kiero‚ masasapak talaga kita” sabi ko dito habang patuloy parin sa paglalakad “nag good morning lang naman eh sasapakin na agad‚ so btw kita tayo sa motel mamaya?” tanong nito na may halong pangaakit‚ ponyeta talaga tong lalaking to‚ ano bang nakain nito at nagkaganyan “pumunta ka mag-isa!” bulyaw ko at lumabas ng bahay‚ napipikon na ko ah‚ amp bakit ba to sunod ng sunod? Tsaka ano nanaman kaya yung gagamitin ko papuntang school? Ang hirap talaga kapag mahirap noh “sungit talaga oh‚ ayaw mag paisa‚ makaalis na nga‚ wala naman ako mapapala sayo eh” sabi nito at nakapamulsang umalis‚ tama yan umalis ka baka sirain mo pa araw ko Late na'ko ang damot kasi ng mga tao sa loob ng bahay ayaw akong ihatid‚ no choice mag tataxi nalang ako‚ joke lang mag jejeep ako mahal kaya sa taxi‚ I’m so glad talaga na lumaki akong marunong magtipid Pumunta ako sa paradaan ng mga jeep‚ nakita ko namang papaalis na yung sasakyan papuntang school kaya tumakbo ako tsaka pumasok sa loob ng jeep‚ buti nalang nakaabot pa'ko Habang nasa byahe may biglang may sumigaw “kuya itigil na po natin to” sabi ng isang babae gsgo anong itil? May relasyon sila ng nagdridrive? “kuya itigil na natin to‚ ayoko na!” sigaw ulit nito kaya nagtawanan ang mga pasahero dito sa loob ng jeep‚ first time ata nitong sumakay sa jeep “para neng” sabi ng isang Ale “ayy‚ para po” sigaw nito‚ huminto yung jeep kaya lumabas na ito‚ napailing-iling nalang ako dahil sa inasal nito At napatingin sa kaharap ko na di mapigilan ang tawa ‘ang liit ng kaligayanhan’ sabi ko sa utak‚ nanlaki ang mga mata ko ng makita ang hinaharap nito like what the fox totoo ba 'yon or foam lang? Binaba ko konti yung ulo ko para tignan yung sa akin ‘ayoko ng mabohay’ Kahit naman babae ako tumitingin din ako sa mga cocomelon hehe‚ mapapasana all nalang talaga ako “tingin tingin mo dyan?” masungit na tanong nito huli ka Winslet‚ nakakahiya ka talaga Sasagot na sana ako ng biglang sumagot yung katabi ko “wala po” sabi nito at yumuko‚ hindi kaya pati din siya tumitingin sa cocomelon?hala hindi lang pala ako yung nag-iisang manyak dito haha Kinuha ko yung selpon para tignan yung oras “s**t” mura ko ng makitang 8:30 na pala‚ ano ba yan late na naman ako! Maya maya huminto yung sasakyan kaya tinignan ko kung bakit “shocks traffic!” sabi ko sa sarili‚ bakit ngayon pa talaga na traffic!? ang malas naman “bilisan mo naman kuya malalate na ako sa trabaho” complain ng isang pasahero‚ ako din naman malalate na sa school pero di na ako nabobo “kita mo ngang traffic‚ sige maglakad ka nalang” sabat ng condoctor “ikaw yung kinakausap?” medyo inis na tanong ng pasahero “sorry ms. ha bobo mo kasi” sagot ng condoctor “sinong bobo? Matalino ka? Talino ka‚ makapag sabi ng bobo kala mo naman ang talitalino” sabi ng pasahero “oo matalino talaga ako‚ di tulad mo di na nga ginagamit yung utak putak pa ng putak” sabi ng condoctor “anong sabi mo!?” galit na sabi ng babae at akmang susugurin niya sa harap yung condoctor ay biglang sumigaw yung driver “manahimik kayo! P*tang ina niyong lahat!” iritang sigaw ng driver “luh dinamay pa kami” pakikisali ng isang babae‚ what the fudge ba ang mga to? “ano ba‚ ang iimatured niyo” sabi ng isang lalakeng pasahero din‚ ayan mga isip bata kasi 9:15 ng makarating ako sa school‚ required na maguniform ngayon kaya dumiretso ako sa likod ng university para doon dumaan Napabuntong hininga ako dahil alam kong tapos na ang first sub. “good morning pipols” bati ko ng makarating ako sa pinto ng room namin “why you're so late ms. Winslet? Go get an admission slip” sabi ni sir Throne ‘admission slip nanaman?’ sabi ko sa utak “sige po” sabi ko at naglakad patungo sa dean office
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD