**CHAPTER 12**

1461 Words
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ NATHAN'S POV: Sh*t, ilang araw na kaming hindi nagkikita miss ko na sya masyado.. pero alam ko namang di nya ko miss, ni ayaw nya nga akong makita.. Nakakainis man alam ko din namang kasalanan ko to pero hindi ko rin naman sa sinisisi ko ang nararamdaman ko kasi totoo naman ang nararamdaman ko sa kanya, kay amara... Sa ilang minutong pag-iisip ko nakatulog na den ako siguro dahil sa pagod den,ilang araw na kase akong walang sapat na tulog dahil sa pag-iisip sa kanya.. Pilitin ko mang hindi sya isipin may mga gamit naman akong nakikitang nakakapagpapaalala sa kanya.. ... ... ... ... ... ... ... ... RING~~RING~~.. Nagulat ako sa ingay ng phone ko,wala sana akong balak sagutin, wala na nga akong sapat na tulog sa mga nakaraan araw, di pako maka pagpahinga ngayon pero dahil sa ingay sinagot ko nalang kahit di ko sigurado kung sino.. Nang masagot ko na ang tawag hinintay ko munang may magsalita ng walang nagsalita sa ilang minuto,tinignan ko na kung sino at dahil sa gulat ko kung sino ang tumawag nawala yung antok ko... Ako na nagsalita at di ko na hinintay magsalita sya pero nagulat ako dahil mukhang may ka away sya kaya tinatanong ko pa sya... Kung ano-ano pa ang mga sinabe nga bago napagtantong lasing pala ang babaeng to.. Kaya sa takot ko kung ano ang mangyari sa kanya ay agad ko siyang pinuntahan kahit mananagot na naman ako kay mama nito, di na kasi ako nakapagpaalam dahil sa pagmamadali... Nang dumating ako doon napaka daming tao, ang dumi-dumi nila tignan, ang kalat. Hinanap ko pa si amara kung saan sya nakatambay, buti nalang nakita ko sya agad dahil kung hindi baka nabastos na sya ng isang lalaking yun, kapal pa ng mukha sabihin ba naman jowa nya si natalia.. Papayag na sana akong maka alis sya ng walang galos kahit hindi sya humingi ng tawad kay natalia ngunit bago sya maka alis may binulong sya sakin.. "Pre ganda ng kasama mo oh, sa kulang palang nya si kana lugi, kaya kung ako sayo di ko sasabihin kahit kanino, paghatian lang natin sya ngayong gabi.." sabi pa ng walang hiyang lalaki. TANGINAAA PALA E!!! Gustong-gusto ko sya sigawan pero ayokong makita ni natalia na nakikipagscandalo ako o kahit ibang tao. Kaya imbes payag akong wala syang galos ay sinuntok ko sa may abdomen nya at napasuka sya ng dugo..Kadiri naman gago. Alam kong napatingin si amara dahil sa ginawa ko kaya tinignan ko muna sya sa mata at buti naman nakuha nya ang ibig kong sabihin na umalis na muna at pumunta na sa sasakyan... Hinawakan ko muna sa kwelyo ang lalaki kahit hindi pa sya tapos sa pagsusuka.. "Oo nga pre, ang sarap nga saluhan pero feeling ko mas masarap solohing bugbogin ka?!!" sabi ko sa kanya. "Sir pasensya na po, sir maawa po kayo sakin.. lasing lang po kasi ako e.." pagmamakaawa nya pa. i scoff. "Pinagbigyan na kita diba? binastos mo na sya nung una, ni hindi na nga kita pinahingi ng tawad TAPOS GANON LANG ANG SASABIHIN MO?!!" sabi ko sa sobrang galit ko. "Sir pasensya na po talaga,hindi ko na uulitin..." mangiyak-ngiyak na sabi nya. *Siguradohin mo lang PRE, dahil kung hindi." sabi ko sabay turo sa isang lalaki ding natutulog pero mukhang patay kaya naman agad syang nanginig sa takot. di naman talaga ako marunong pumatay... Kaya binitiwan ko nalang sya, hindi dahil sa napatawad ko na sya.. baka kasi nahihilo na si amara.. Madali pa naman sya ma apektohan sa alak... Madami pa siyang pinagsasabi bago kami bumyahe kasi nagaalala sya sa sasakyan nya.. Nung nag drive nako at di nag salita na hagip ko nalang sa mata ko na nakatulog na sya kaya napahinto muna ako sa gilid ng kalsada.. Minamasdan sya.. Sakto malapit lang ang hinintuan ko sa may convenience store kaya pumunta na lamang ako doon at sumunod naman ang driver ko sa likod, binilhan ko nalang din nang kape si manong driver kasi naabala ko pa sya sa gantong oras. "Nakuu. Wag na po sir.." sabi nya pa "Sige na kuya, nakakahiya po kase na abala ko pa kayo, di naman to kasali sa working hours nyo.." pamimilit ko sa kanya, tinanggap din naman nya.. Pagkatapos niyang uminom ng kape at kumain ng biscuits ay sinabe ko nalang sa kanya na mauna na lang sya kasi paiinomin ko muna ng kape si amara para mahimasmasan, at tumango lang naman sya at tsaka nagpaalam na sakin... Alam nya din naman kung saan yun i papark, kilala din sya ng mga yaya doon. Nang makaalis na si manong-driver ay pumasok nako sa sasakyan ko para sana sumunod na lang sana sa driver ko agad.. Ngunit napatingin ako kay amara ng gumalaw ito, akala ko magigising na sya.. Napaka ganda nya talaga.. Oo maaaring tama nga sya, kay dami-daming babaeng pwedeng magustohan bakit nga ba sya pa, ngunit sana maintindihan nya na kahit madami pang iba, sya at sya parin ang pipiliin ko.. "Alam mo ba amara.. miss na miss na kita.. Oo, alam ko. Di moko miss no?" i scoff. "Ayaw mo nga akong makita, edi syempre di mo den ako miss.. Napakaganda mo sa mga photoshoot mo, alam mo ba. Ang ibig kong sabihin maganda ka naman talaga kahit hindi lang sa photoshoot.. sana lang talaga amara.. Payagan mo den akong mahalin ka.. Okay lang naman sakin kahit di mo suklian yun...mamahalin parin kita kahit hindi sigurado.." i said. Huminto ako sa pagsasalita ng gumalaw sya ulit kaya ngumiti nalang ako. Di ko na pinagpatuloy pa ang pagtitig sa kanya at nagdrive nalag ulit kase malapit na din mag umaga kaya kailangan nya na din magpahinga... Maya-maya pa habang nagdradrive ako bigla nalang syang nagising at biglang napalingon sa may likoran, nagulat pako kasi bigla syang gumalaw pero di ako nagpahalata kasi astig ako. Muntikan pakong matawa sa itsura nya na para bang galing nanaginip o parang late na. Nang marealize ko ang paglingon nya sa likod, sinabe ko na agad sa kanya na pinauna ko na si manong-driver dala ang kotse nya.. at tiningnan nya pako na parang may ginawa akong kasalanan. Sumasakit ulo ko sa kanya. Maya-maya pa sinabe ko nalang na may pagkain sa may gitna namin at bigla nalang syang mukhang na excite kaya sinabe ko sa kanya nalang muna kami sa park kung saan nya sinabing lalayo na muna sya sakin.. Para din mahimasmasan sya kahit konti pero kahit ang totoo gusto ko pa kasi sya makasama ng kahit konti pang oras... Nang nandun na kami sa park, nag-uusap lang kami na parang normal lang.. "Pasalamat ka gusto kita." sabi ko pa ng pabulong pero sinadya kong marinig nya "gago.. suntokin kita dyan e" sabi naman ni amara. Gusto kong tumawa sa sinabe nya pero pinipigilan ko para inisin at biruin pa sya. "Ano ba apaka sama mo saken" sabi ko sa kanya pakunwaring inapi. "Apaka oa mo naman, tsaka ano pala, di naman kita jowa ha, bat mo sinabe dun lalaki na jowa moko" sabi nya. Apaka reklamador naman ng babaeng to. "E kesa naman pabayaan kita, ano gusto mo nun? ibabalik kita doon" sabi ko "Tanga mo ren no, nakuha mo na ko tapos ipapamimigay mo pa ko?!!" sabi nya pa kaya napangiti ako kasi double meaning yun para sakin kaya inasar ko sya. "Owsss talaga? Nakuha na kita?" tanong ko at nagsmirk pa. Nag-usap pa kami sandali bago napagdesisyonang niyang uuwi na sya at sumang-ayon din naman ako dahil baka pagalitan na talaga ako. "Namiss kita nathan.." sabi ni amara sakin ng pauwi na sana ako at babalik na sa sasakyan kaya dahil sa sinabe nya napalingon ako, di lang pala ako ang nakakamiss. "At nga pala, Payag nako....Naligawan moko.." dagdag pa nya at ngumiti pa sya.. di ako naka react agad at nakatitig lang sa kanya.. Tumawa sya bigla kaya nabasag ang katahimikan.. "Napaka ano naman niyang reaction mo" sabi nya at tumawa pa. "ANO BAAA!! Wag mo nga akong binibiro dyan" sabi ko sa kanya. at ngumiti lang sya at tumango. Gusto kong sumigaw sa sinabi nyang yun pero di ko magawa para bang na stock yung boses ko kaya napatakbo nalang agad ako sa kanya at niyakap sya... nagpapasalamat pako sa kanya habang yakap ko sya. Maya-maya pa ay nagpaalam na sya at ako ren ng maka uli ay naka tulog agad ako, nakangiting tulog. Nang magising ako mga bandang 11 am na kaya apakabigat ng katawan ko dahil sa hindi sapat tulog ko or sa madaling salita hindi fix. Mga hapon na yun nung tinext ko sya kung naaalala ba nya pinaggagawa nga kagabi pero GAGO hindi dawww... Kala nya papalampasin ko yon, naka ngiti nako tol tas ganon, Hindi pwede. Ipapaalala ko sa kanya bukas..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD