~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NATALIA'S POV:
••ONCALL••
"Heyy buti naman—" di natapos sasabihin nya ng magsalita ako.
"TANGINAAA! Lakas nyo mang-iwan!!" mangiyak-ngiyak na pagkakasabi ko.
"Teka may kausap ka ba dyan amara?" sabi pa ni nathan.
"Iniwan nyo ko lahat e!!" pasigaw kong sabi..
"Di naman kita iniwan amara" sabi nya pa.
"Hindi iniwan nyo—"di natapos sasabihin ko ng nagsuka ulet ako.
yuck!!!
"Okay kalang ba amara?" sabi nya. "OWHH?! SH*T LASING KA BA?!!" gulat na pagkakasabi.
"Sinong lasing? lasing mo mukha mo nathan!" sabi ko sakanya
"Asan ka ngayon" sabi nya at rinig ko sa kabilang linya na nagmamadali sya.
ha! matalisod ka sana
"Apaka lakas nyo mang-iwan" sabi at napaiyak pako
"Seryoso ako amara. Asan ka nga ngayon?" tanong nya uli.
"Akala ko ba sabi nyo di nyo ko iiwan.." patuloy ko.
"Okay,i got it. Hintayin moko dyan, I'll be there in 10 min." sabi nya
Yabang.. 10 min daw. May traffic sana para mukha kang sinungaling..
"Pero bat ngayon lahat kayo iniwan ako" patuloy paren ako sa pagsabi sa kanya nun.
"Wag mo papatayin yung tawag ah, para malamam ko kung okay kalang" sabi nya
i laugh. "Hule kana, Lowbat nako." sabi ko pa at napawi ang luha bigla.
"Sh*t lowbat kana?!!" sabi nya at nagulat.
parang bakla to.
"Oo nga, pa ulit-ulit ka?!" sabi ko.
mura nalang sinabe nya pagkatapos nun at rinig ko ang lakas ng takbo ng sasakyan..
Tulad ng sabi nya di ko pinatay ang tawag..
"Amara dyan kalang kung saan ka ngayon—" di natapos sasabihin nya ng namatay ang tawag kasi..
malamang lowbat na nga ako,diba? tanga rin to..
Naka tambay lang ako doon sa lugar kung saan ako tulad ng sabi nya.
Apaka masunurin ko talaga.
Inaantok nako sobra.. Sa sobrang antok ko parang gusto ko nalang matulog dito, di biro lang daming mga dirty here no,,
Just like the people na nag make out sa cr,kadiri
"Hi miss, mukhang mag-isa kalang ah" sabi ng isang lalaking lumapit saken.
argh! another dirty cheap animal.
"Hindi, double. Malamang isa" sabi ko.
"Sama ka nalang sakin miss, painitin natin ang gabi" sabi ni manong.
"E gago ka pala e, ang init-init na nga at mukhang uulan tapos gusto mo pa painitin,tanga rin to" sabi ko.
"Grabe ka naman.. Ayaw mo ba neto?" sabi nya sabay pakita ng muscle nya.
muscle e mukhang pakpak ng manok
"Alam mo ang kadiri mo tignan, sana nakikita mo sarili mo" sabi ko sabay tawa at dahil sa tawa mo mukhang napikon ata sya.
"Halika na sabi e" sabi nya at pilit nya kong hinahatak.
"Ayaw ko nga sabi e, kulit mo den no" sabi ko at pilit ding tinatanggal ang hawak nya sa aking pulso.
"Pangako di kita sasaktann..." mapang akit na sabi
"Pre... Ayaw ata sumasama ng kasama mo..." sabi ng isang lalaki pero di ko masyado kita kung sino.
"HAHA wag kang mag alala pre.. Away magjowa lang.." ngumiti pa sya
"Hoyy kahit kailan di ko pinangarap at gugustohing jowain ang isang panget at hayop na tulad mo!!" sigaw ko pa.
"Wag ka makinig dito pre.. nagpapakipot lang.." sabi pa ng bastos na lalaki.
"Ahh..talaga na pre? E pano ba yan hirap paniwalaan e, kasi jowa ko yan!" sabi nya
"Oyy nathan" sabi ko pa
"Ha? M-magjowa pala kayo? P-pasensya na pre.." sabi nya kay nathan.
gusto ko siyang sapakin, bat sakin di sya humingi ng tawad?!
Nagulat ako ng bigla syang sinapak ni nathan sa tiyan.
Owh?!! Akala ko aalis na sya ng walang galos.
Nakita ko pero di ko alam..May binulong sya kay nathan..
After nung pag-uusap ng lalaki at si nathan pinuntahan na nya ako at inalalayan dahil nahihilo parin ako kunti..
Inalalayan nya ko hanggang sa mapasakay sa kotse nya..
"Teka..! May sasakyan akong dala,pano sasakyan ko" sabi ko
"May driver akong dinala kasi alam kong may sasakyan kang dala.." sabi nya at di nako nakapagrespond dahil inaantok nako..
Naalimpungatan nalang ako nakita kong bumabyahe na kami at pauwi doon sa totoong bahay namin ang daan..
"Hindi ako dun matutulog..." sabi ko sakanya, inaantok pa.
"E san ka ba? Okay lang yan, doon ka muna" sabi nya ng mahinahon
"TEKA?!" nagulat ako ng ma alala ko ang sasakyan ko at agad akong napatingin sa likod kung may sumusunod ba pero WALA!
"Pinauna ko na ang driver ko dala ang sasakyan mo pauwi sa inyo.." paliwanag nya ng mapansin nya ang reaction ko.
Tinignan ko sya na pa sya.. "San ba tayo?.. Papuntang park to ah" sabi ko pa
"Doon muna tayo.. May coffee dyan, inomin mo yan para maging okay yang pakiramdam mo.." sabi nya pa.
Tahimik lang kami habang byahe di nako nagrespond kasi may pagkain tol.
Nang dumating na kami sa park..
"Tara doon muna tayo oh" turo sya sa may swing at tumango lang ako.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.
"Uhh... Kakain?" sabi nya
"Tanga to, pwede naman sa kanya-kanya nating bahay" sabi ko
"E mas tanga ka, inom-inom ka di mo naman pala kaya.." he rolled his eyes "Tapos isa pa ginising mo na ko sa maganda kong tulog tapos ngayon rereklamohan moko?!!" sabi nya pa.
"Sorry naman" sabi ko sabay tawa.
"Pasalamat ka gusto kita." he whisper pero dinig ko.
"gago.. suntokin kita dyan e" sabi ko
"Ano ba apaka sama mo saken" sabi nya na parang inapi.
"Apaka oa mo naman, tsaka ano pala, di naman kita jowa ha, bat mo sinabe dun lalaki na jowa moko" sabi ko
"E kesa naman pabayaan kita, ano gusto mo nun? ibabalik kita doon" sabi nya
"Tanga mo ren no, nakuha mo na ko tapos ipapamimigay mo pa ko?!!" sabi ko
"Owsss talaga? Nakuha na kita?" tanong nya at nag smirk pa.
"Pucha.. Iba naman yang sayo e" sabi ko pa at tumawa lang sya
Di na sya sumagot pa at nakatingin lang sa mga butuin, oh? nawala na pala yung kulimlim..
"Ganda nila no?..." sabi nya pero naka tingin lang ako sa mga butuin na para bang walang nadinig. "Ang ganda mo rin.." sabi nya pa
"Alam ko." sabi ko ma ikinagulat nya
"Naririnig mo pala ako e" sabi nya at tumawa naman ako..
"Di mo naman hinintay magsalita ako" sabi ko pa
"Pero seryosong usapan amara, baket ka naglasing?" tanong nya
"Namimiss ko si papa e" sabi ko
"At sa tingin mo solusyon yang paglalasing mo?" sabi niya pa.
"Wala naman talaga akong balak na maglasing.." sabi ko
"Tapos di mo namalayan nasobraan mo na pala pag iinom mo?" sabi nya
"Bingo" sabi ko sabay turo sa kanya.
"Kilala kita masyado.." sabi nya
Di nako sumagot at patuloy lang sa pag inom ng kape. Parehas kaming naka tingin sa mga butuin..
Parang dati lang..Ganito kami e, lalo na pag may problema ang isa samin o ket parehas kaming may problema..
"Namiss ko to.." i whisper pero napalakas ata..
"E ako?... Di mo ko namiss?" tanong niya pa.
"Ikaw?!! Hindi no?!!" tanggi ko.
Natahimik kami pagkatapos nun kasi tumango lang naman sya pagkatapos nun..
"Ihahatid na kita? Medyo late nadin kasi.." sabi nya.
"Oo nga, hatid mo na ko." sabi ko
Pumunta na kami sa sasakyan niya at para mahatid na nya ko.
Nang dumating na kami sa bahay ko pinark nya nalang sa tapat ng kanilang bahay ang sasakyan nya total malapit lang naman yung amin.
"So goodnight amara..thanks.." sabi nya at tumango lang ako papasok na sana ako sa bahay ng may ma alala ako..
"Namiss kita nathan.." sabi ko at napalingon sya bigla.. "At nga pala, Payag nako....Naligawan moko.." sabi ko at ngumiti sa kanya...