NANLALAKI ang mga matang nag-angat ako ng tingin sa kanya. Bagay na pinagsisihan ko dahil nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko magawang iiwas ang mga mata mula sa kanya na tila ba pati sarili kong katawan, hindi ko na makontrol.
“Who’s the white wolf among the two of you?” tanong ni Leo.
Doon ako na pababa ng tingin. Why does he want me? Sinabi na rin ng babae sa tabi niya na maraming babaeng lobo rito. Bakit ako pa? Ano’ng kailangan niya sa akin?
“Vane!” muling sumabat ang babae, si Minerva. Puno ng pagtutol ang boses. “We have a lot of women in the pack. Why will you choose a lone wolf we’d just got—”
“Don’t test my patience, Minerva. Get the f**k out of here.” Napapitlag ako sa talim ng boses na iyon. “Whoever the white wolf is, step up before I lose my temper. You don’t want to lose your friend, right?”
Nagtagis ang mga ngipin ko. He knew! He knew yet he still asks! Gusto niya na ako ang kusang lumapit sa kanya so it would give him pleasure. Pleasure to see me submissive and surrendering to him.
Nanatili akong nakayuko na para bang nanigas na ako roon. Isang mahaba at nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa muli kong marinig ang boses niya.
“Callisto,” he called. Voice filled with darkness and dissatisfaction. “I changed my mind. Take the woman and bury her alive—”
Marahas akong tumayo at buong tapang na sinalubong ang mga mata niya. Kulay gintong mga mata na umukit sa aking isip simula ng gabing iyon. How I hate the sight of it now.
“Let her go, asshole!” asik ko.
Nakita ko ang pagkatigil nilang lahat maliban sa kanya. Hindi ko mabasa kung ano’ng iniisip niya dahil blangko ang kanyang mukha at mga mata. Bumigat ang paghinga ko nang tumayo siya at lumapit sa akin.
Sa bawat hakbang na ginagawa niya ay siyang paghina ng aking mga tuhod. Ang tapang na mayroon ako kanina ay parang bulang naglaho. I suddenly realized how powerful he is compared to me.
He is the Alpha of these three men. He is much stronger, bigger and almost immortal. He’s the superior. The dominant. One word from him or even in the snap of his finger, I would instantly lose my life.
Napasinghap ako nang marahas niyang hablutin ang aking baba. Mariing idiniin ang hinlalaki roon. Ramdam ko ang malakas na kabog ng aking dibdib. He’s so close to me, and his eyes. . .
His eyes are like a fire, burning me.
“Feisty. . .” a deep and husky whisper escaped his mouth. “I wonder if you’re feisty in bed too. . .”
Nanlaki ang mga mata ko sa kapangahasan ng kanyang bibig. Nag-init ang mga pisngi ko kaya pilit kong tinanggal ang kamay niya sa aking mukha. I don’t care kung mahilo ako kakaiwas ng ulo ko. I don’t want his touch! I hate him!
Hindi na ako halos humihinga nang muling magtagpo ang aming mga mata. A dangerous and mischievous smile appeared on his lips.
“I will see you shortly.” Binigyan niya ng marahang pisil ang aking baba. “Fix yourself for your Alpha, woman.”
There’s a sudden weird feeling that circles in my chest, and I don’t know why and what it is. Iniwas ko ang mukha sa kanya. Ilang beses akong humugot ng malalim na paghinga bago ko nagawang makahapuhap ng salita.
“H-Hinding-hindi. . . Hinding-hindi ako magpapasakop sa ‘yo! Kahit pa ibenta mo ang kaluluwa mo,” puno ng poot kong sambit.
Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng emosyon sa kanyang mga mata. Ang magpalarong tingin ay napalitan ng dilim.
“Take her away,” may awtoridad na utos niya. “Lock her in my bedroom and never let her see her friend until I said so.
Gumuho ang mundo ko sa kanyang sinabi. Nagpumiglas ako sa hawak ni Leo. “N-No! Hindi mo ‘to maaaring gawin! Hindi mo kami pagmamay-ari! Pakawalan mo ‘ko! Pakawalan mo kami!”
Ngunit naging bingi na siya sa mga sigaw ko. He turned his back and left the room without saying a word. Without feeling remorse.
“J-Jordan! J-Jordan!”
Napalingon ako kay Callie. Naglandas na ang luha mula sa kanyang mga mata. Sinubukan kong siyang abutin ngunit nahila na siya ng lalaki. I tried to free myself from Leo’s grasp but he was too strong.
“Bitiwan mo ‘ko! Bitiwan mo ‘ko!” sigaw ko.
“Stop resisting. You’re just wasting your energy,” seryoso niyang saad.
“B-bakit niyo ‘to ginagawa? T-Tahimik kaming naninirahan sa sarili naming bayan. Wala kaming ginagawang masama ng kaibigan ko! B-Bakit? Bakit?” puno ng sama ng loob kong sambit.
Narinig ko ang mahina pagbuga niya ng hangin. “Because that’s what we do, and we can’t do nothing about it. Kung gusto mong makaalis dito, be good to the Alpha.”
Binuksan niya and pinto at mahina akong pinasok sa loob. Parang may isang malamig na bagay ang yumakap sa akin nang makita ko ang malapad na kama. Muling nanuot sa aking ilong ang pamilyar na matapang na amoy.
“And please him because that’s all you can do for now.”