Chapter 10

1042 Words
PASIMPLE akong lumunok at ilang beses humugot ng hininga para kalmahin ang sarili. “Bakit mo sinasabi sa akin ang bagay na ‘to? Paniguradong malaking sekreto sa inyo ang tungkol dito kaya bakit mo sinasabi sa akin gayong hindi mo pa naman ako kilala?” tanong ko. “I know you can be trusted. You’re a moon wolf. Blessed by the Moon Guardian.” Nangunot ang noo ko. “Moon Guardian? Ano’ng sinasabi mo?” nagtataka kong tanong. Hindi ko na naman maunawaan ang sinasabi niya. Para siyang nagsasalita ng ibang lengguwahe. Ngayon ko lang narinig ang salitang iyon. Lumingon siya sa akin. Tulad ko ay may pagtataka rin sa kanyang mukha. Ilang sandali niya akong tinitigan bago siya nagsalita. “Moon wolf. You don’t know what a moon wolf is?” naguguluhan niyang tanong. Umiling ako. “Hindi. Ano ba ang bagay na ‘yon?’ Bahagyang nanlaki ang mga mata niya bago nauwi sa pagkunot ng noo. Nagbaba siya ng tingin. Para bang may iniisip na malalim. “Are you the only white wolf in your town?” bigla niyang tanong. Hindi kaagad ako nakasagot nang maalala ko si Lola Mariana. Binalot ng lungkot ang puso ko. Ilang buwan na ang lumipas pero nangungulila pa rin ako sa pagkawala niya. “Hindi. Dalawa kami,” sagot ko. “Ang lola Mariana ko na namayapa na at ako. Bakit mo natanong?” “I’m just. . . curious. It’s rare to see a white wolf in this archipelago. That’s why I was surprised when I saw you in the forest,” pahayag niya. Naalala ko nga ang gabing iyon. Puno ng pagtataka ang mukha ng tatlong lobo sa akin. Maging ang Alpha nila na si Vonvane. Iyon pala ang dahilan. Kakaunti lang pala ang lahi namin. Mahina akong napabuga ng hangin. May natitira pa kaya sa amin? “Ikaw ba ‘yung malaking lobo sa gitna?” bigla kong tanong. I got easily comfortable with him. Hindi kasi siya mabigat kasama. It’s good to have someone na nakakausap mo nang hindi ka iniinsulto. “Yeah. I’m one of the Betas,” matipid niyang sagot. Binalot kami ng komportableng katahimikan. Tirik ang araw sa labas ngunit malamig pa rin ang hangin kaya ayaw pa ng katawan kong umalis. Payapa pati dahil nasa baba lahat ng maiingay at nakakainis na mga lobo. “Can I ask you something?” bigla niyang tanong. Sinulyapan ko siya. “Ano ‘yon?” “Where’s your Alpha? Bakit kayo na lang ni Callie ang natira sa bayang iyon?” aniya. Bakas ang pagtataka sa boses. Hindi ko kaagad nasagot ang tanong. Wala kaming kinikilalang Alpha. Tulad nga ng sinabi ko. Si Lola Mariana at si Callie lang ang kilala kong kauri sa bayan. Ni hindi ko alam kung paano kami napunta sa bayang iyon. All I knew is I grew up with Lola Mariana and Callie. That’s all. “Wala kami noon simula pa lang nang mabuhay ako sa mundong ‘to,” sagot ko. “What? Therefore, it’s just the three of you?” hindi makapaniwalang tanong niya. Dahan-dahan akong tumango. “What about Callie? She’s a brown wolf. Paano siya napunta sa inyo?” “Hindi ko alam.” Totoo iyon. Sila Lola Mariana ang nakaalam lahat ng ‘yon. Hindi ako nagtangkang mang-usisa dahil alam ko namang hindi niya ako sasagutin. Kaya hanggang ngayon ay inosente pa ako sa sariling uri. Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala. Mabilis akong bumaling kay Leo. “I-Iyong mga gamit ko? Natabi mo ba iyon?” kinakabahan kong tanong. Ngayon ko lang naalala ang libro ni Lola Mariana. Napatingin siya sa akin. Nag-isip saglit bago sumagot, “Yes. Why?” Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. “P-Puwede ko bang makuha ang gamit ko? Kahit iyong lumang libro na lang. Mahalaga sa akin ang librong ‘yon,” halos nagmamakaawang kong pakiusap. “Okay. I’ll search for it.” Parang natanggalan ako ng tinik sa lalamunan. Akala ko ay nawala ko na ang kaisa-isang pamana sa akin ni Lola Mariana. “Salamat, Leo,” mahina kong pasasalamat. “Don’t mention it.” Isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking mga labi bago magbaba ng tingin. At least may makakausap na ako rito. Ayokong mukha palagi ni Vane ang makita ko. “Done chit-chatting?” Mabilis pa sa alas kuwartong napatayo si Leo sa malamig at mautoridad na boses na iyon. Maang akong napatingin kay Vane. Madilim ang mukha niya at parang mananaksak ang mga mata. “Alpha,” sambit ni Leo saka yumuko. “The Omegas waiting outside. Go there,” mautoridad niyang utos. Agad namang tumalima si Leo at umalis din kaagad. Now, I was left alone with this devil. Iniwas ko ang mukha nang bumaling siya sa akin. “Who gives you the right to flirt with my Beta?” mapanganib ang boses niya. Kumuyom ang mga palad ko. “Hindi ako nakikipaglandian kay Leo,” malamig kong saad. He laughed darkly. “First name basis, huh?” Hindi ko na kinaya ang inis at gigil kaya sinalubong ko ang mapanuya niyang tingin. “Hindi ako katulad mo!” I spat venomously. “Probably sleeping and flirting with all the female wolves here! In this case, you don’t even deserve a mate!” Lalong dumilim ang kanyang mukha at nagtagis ang mga mata. Isang singhap ang kumawala sa aking mga labi nang bigla ay marahas niyang hinawakan ang aking leeg. It was not tight. It’s not hurting me but it is enough to show how dominant he can be. “And you think you deserve it too? Even low rank Omegas won’t accept you as a mate.” Tila isang patalim na muling humiwa sa puso ko ang mga salitang lumabas mula sa kanyang mga bibig. Ramdam ko ang panlalabo ng aking paningin ngunit pinilit ko pa ring huwag lumuha sa kanyang harapan. “May you never find her, and if you find her. May she hate you to the bone because she is destined to an evil like you!” Lalong dumiin ang pagkakahawak niya sa aking leeg na parang pupugto sa aking hininga. “She can hate me all she wants, Avianna, but she can’t ever leave me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD