Chapter 08

1137 Words
MABIGAT ang pakiramdam ko nang magising. Napangiwi ako nang maramdaman ang pagkalam ng sikmura. Buong maghapon akong walang kain kahapon. Dinala nila ako rito pero hindi man lang nila akong dinalhan ng pagkain. Nanghihinang nag-angat ako ng tingin sa pinto nang may kumatok doon. Pumasok doon si Leo. Wala akong balak kausapin siya pero nakita kong may hawak siyang paperbag. Napalunok ako sa ideyang pagkain ang laman niyon. “You must be hungry,” saad niya saka inabot sa akin ang paperbag. “Change into this. Sabihin mo sa akin kapag tapos kana.” Walang kibong kinuha ko ang paperbag saka tumayo. Muntik pa akong mawalan ng balanse mabuti na lang ay nahawakan niya ako. Marahan kong hinila ang braso mula sa kanyang hawak saka pumasok sa loob ng banyo. Tulad ng inaasahan ko, maganda at kumpleto ang loob ng kanyang banyo. Maaliwalas dahil sa kulay putting dingding gawa yata sa marmol at malinis. Napapikit ako nang maramdaman ang pagdausdos ng malamig na tubig sa aking katawan. I don’t know where are we, but the weather here was sure cold. Dahil shampoo at body wash lang ng may-ari ng kuwartong ito ang mayroon sa banyo. Iyon ang ginamit ko. Bahala siyang magreklamo kapag naamoy niya ang gamit panligo sa akin. Disente ang putting underwear na nakita ko sa loob ng paper bag ngunit napangiwi ako dahil sa damit. Kulay puti rin kaso ay mahabang bestida na may mahabang manggas na tumakip na sa buong braso ko. Ito ang klase ng damit na nakikita kong suot ng babaeng alay sa fantasy movie. Puno ng disgustong pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin. Maganda naman ang bestida ngunit sa panahon na uso ang jeans at blouse. Mukha akong tanga rito. “Wala na ba kayong matinong damit bukod dito?” madilim ang mukhang tanong ko kay Leo paglabas. Sinipat niya ang itsura ko. “The Alpha personally chose that for you. You should be thankful.” “Thankful?” nang-uuyam kong tanong. “Paano ako magiging thankful sa lobong napag-iwanan ng panahon ang taste sa damit?” Naiiling siyang tinalikuran ako. “Don’t let him hear you say that, because if he do, you’re dead.” “Mas maganda pang mamatay kaysa magpasakop sa pinuno niyo,” puno ng pait kong komento. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Walang salitang sumunod sa kanya nang magsimula siyang maglakad. Iritang-irita ako sa suot ko. Ano ba’ng pag-uutak meron ang lalaking ‘yon? Siya ba talaga ang pinuno nila? Dinala niya ako sa labas ng bahay. Akala ko puro kakahuyan lang ang meron sa likod ng mansyon hindi pala. Mayroong malaking bakante rito na sementado ang sahig at may mga upuan. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay mga babaeng nakaupo roon na kaparehas ng damit ko. Iba lang ang kulay. “What is this? A medieval all-girls house?” sarkastikong kong tanong. Humila siya ng isang upuan at nilingon ako. “Dinner will be serve shortly. Huwag mong tangkaing tumakas. This place is surrounded by Alpha’s subordinates. Hindi ka nila papaalisin ng buhay.” Hindi ko siyang kinibuan. Hindi naman ako mangmang na basta na lang tatakas ng walang plano at sa umaga pa. I will plan every step while making sure both me and Callie can escape alive. “J-Jordan?” Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jordan. Tulad ko ay nakasuot din siya ng bestida, kulay brown nga lang. “Callie? Ayos ka lang ba? May ginawa ba sila sa ‘yo?” nag-aalang tanong ko. Umiling siya at maliit na ngumiti. Nagtaka ako sa kislap sa mga mata niya. “No, Jordan. It was opposite actually. Mabait sila sa akin. Callisto, he gave me food and clothes. He’s a good man,” nakangiting kuwento niya. Ilang beses akong napakurap. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya. Mabuti naman at hindi katulad ng Callisto na iyon ang pinuno niyang maitim ang budhi. “Ikaw? Ayos ka lang ba, Jordan?” tanong niya. “M-May ginawa ba sa ‘yo ang pinuno nila?” Tipid akong ngumiti. “Ayos lang ako.” “Callisto told me they mean no harm. Gusto lang nilang palakihan ang grupo nila para sa mga nagtatakang kumalaban sa kanila. Wala raw silang balak na masama sa atin basta ay papasakop tayo—” “Callie,” putol ko. “Hindi dahil wala siyang ginawang masama ay dapat na tayong magtiwala sa kanila. Dinukot sila tayo at sapilitan tayong gusto gawin parte nila. Para saan? Para lang palakasin ang puwersa nila?” Hindi nakaimik si Callie. Nagbaba lang siya ng ulo. “Namumuhay tayo nang matiwasay ‘tapos ay dumating sila at inalis tayo sa sarili nating tahanan. Lahat ng ‘yon ginawa lang nila para sa kapangyarihan. Kaya stay vigilant, Callie, no matter how good Callisto is. Hindi natin sila kilala,” paalala ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango. “S-Sige.” Hindi na kami nag-usap pa nang dumating ang pagkain. Tahimik akong kumakain habang iniisip ang susunod kong hakbang. Naalala ko bigla ang libro ni Lola Mariana. Kailangan kong mabawi iyon. Makakatulong iyon sa pagtuklas ko sa aking kakahayan. “The low-class bitches are here.” Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Callie. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara nang makita si Minerva. Matalim ang mga mata niya kasama ng dalawang alipores sa likod. Nagtagis ang bagang ko nang lumapit siya at marahas na hinawakan ang aking baba. Pigil ko ang hindi siya sunggaban dahil sa pagbaon ng mga kuko niya sa balat ko. “Let me give you a little reminder, girl. Not because the Alpha favored you, you can do anything you want here. I manage the women here at kapag may ginawa kang hindi ko gusto. Makakatikim ka sa ‘kin. Naiintindihan mo ba?” mariin niyang saad. Hindi ako sumagot at marahas na tinanggal ang kamay niya mula sa mukha ko. “I am not part of your pack. I follow no one other than myself, at kahit patayin mo ‘ko. Hindi ako susunod sa ‘yo,” madilim ang mukhang wika ko. Nanlisik ang mga mata niya. Akala ko ay sasaktan niya ako pero isang boses mula sa likod namin ang nagpahinto sa tensyon. Mabilis na lumayo si Minerva. It was the Alpha. A deafening silence enveloped the whole place. Kumuyom ang kamao ko nang dumapo ang malamig niyang tingin sa akin. “Don’t stoop low with an impudent rogue like her, Minerva,” malamig niyang wika. “And don’t waste time disciplining her. I will be the one to do that.” Wala akong pakialam sa sasabihin ng tao sa ugali ko. But when I heard those words from him. It feels like I was stabbed several times. And the wound goes deeper in my heart that it reaches my already hurting wolf.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD