Chapter 8

3285 Words
AT pagkatapos ng klase namin sa history may sumunod na naman rito at nong nasa huling subject na kami biglang umulan pagkwan napalitan ang awra ni Aethan habang nakatingin sa may bintana kung saan makikita rito ang pagbuhos ng ulan siguro ayaw niya ng ulan. " ayaw mo ng ulan?" pagkwan nilingon niya ako ng suplado kaya nag iwas na ako rito ng tingin asa pa akong sasagotin ako nito sa ganong tanong ko. " Ganon na nga!" tipid nitong sagot kaya napalingon ako rito bigla at hindi na ito nakatingin saakin tatanongin ko sana ulit kaya lang biglang tumunog ang phone niya na sinundan ng pagtayo niya pagkatapos itong tingnan. " excuse me, Sir!" pagkasabi niya nun nagmadali na itong lumabas hindi pa nga nakakasagot si Sir pero napatingin ako bigla sa upuan niya ng mapansin ko ang phone nitong nakapatong rito kaya hinablot ko ito agad para ihabol rito kaya lang hindi ko na ito nasabi sa kanya dahil tuloyan na itong nakalabas kaya nilagay ko na lang sa bag ko sana lang walang nakapansin sa mga kaklase ko mamaya pakialaman pa nila halos lahat kasi ng tao dito may crush doon at paniguradong papatayin ako nun pagnalaman niyang ako ang unang nakakita sa phone niya at binigay sa kanila. " Anong nangyari doon?" tanong ni Sir habang sinusundan ng tingin ang dinaanan ni Aethan pero wala namang may sumagot sa kanya wala rin kasing nakakaalam kung bakit yon biglang nag walk out " Well, never mind lets continue the discussion" At yon na nga ang nangyari at pagkatapos ng klase lumabas na kami at hanggang ngayon iniisip ko pa rin yong dahilan kung bakit umalis bigla si Aethan pagkwan may bigla na namang umakbay saakin. " bakit na late ka kanina?" Tanong agad ni Jeremy sino pa nga bang aakbay saakin e siya lang naman itong mahilig mang akbay sa istoryang ito. " Ah maaga kasi akong pumuntang library at hindi ko napansin ang oras " " Kaya naman pala hindi kita nakita sa may pathway ang tagal kitang hinintay muntik na rin tuloy akong malate" pagtawa nito pero tumingin lang ako rito wala naman kasing nakakatawa sa sinabi niya. " Ah, Jeremy bakit parang alam ata ng buong campus ang situwasyon ko kay Aethan? " tanong ko agad rito nang sumagi sa isip ko yong grupo ng mga estudyanteng sumalubong sakin sa library at saka dahil doon sa sinabi nila napansin ko rin na ilan sa mga estudyante rito sa school ay nakatingin o binabantayan nga ang mga kilos ko. " E kasi nga hindi basta estudyante lang yang kasama mo sa kuwarto, si Aethan siya ang kinababaliwan ng mga estudyante rito sa campus mapababae man yan, bakla, tomboy, o lalaki yong mga lalaki kasi ginagaya nila ang pormahan nito at yong mga babae naman naku! alam mo na yon kaya naman wag ka nang magtaka kung updated ang buong school sa nangyayari sainyo ni Aethan " Pagngiti nito hindi naman ako makapagsalita tsk! nang dahil sa Aethan na yon naging critical na ang buhay ko rito sa campus kailangan ko talaga magdoble ingat dahil kung hindi talagang mabubuko ako ng maaga " ah nga pala, Julian sama ka sakin mamaya ha! " " Saan naman?" " Sa labas,kumain tayo sa labas tsaka magpahangin na rin alam mo magandang naglalakad sa labas paggabi" "Ah busy ako e " Rason ko, sa totoo lang gusto kong sumama kaya lang wala akong perang gagastosin nagtitipid ako, pang-emergency lang itong pera ko. "Ano naman ang gagawin mo? Ganito na lang tutulongan kitang taposin yan para masamahan mo ako " Sabi nito ang kulit niya rin noh. " Ah hindi na nakakahiya naman sayo maghanap ka na lang ng sasama sayo " pagtanggal ko sa pagkakaakbay nito saakin at naglakad ako ng mabilis para makaiwas rito. " e ikaw ang gusto kong kasama hindi ko alam pero iba ang feeling ko pagkasama kita alam mo yon?" Pagsunod nito sakin at umakbay na naman sakin ng mahigpit yong parang yakap. " Huh, paano naman ako naging kakaiba? " Paglayo ko rito hindi kaya nakakahalata na ang isang ito? kung totoosin napaka close na nga rin namin ni Jeremy ang bait niya kasi kaya posibleng baka nakakahalata na siya. " Alam mo feeling ko magiging forever tayong bestfriend" pagngiti nito natawa naman ako bigla sa sinabi niya pero agad ko ring binawi yon nang nagtataka itong tumingin saakin. " siguro nga" pagtingin ko rito ng alanganin isip bata nga pala talaga ang isang ito. " Basta labas tayo mamaya ah? libre kita " Pagkasabi niya nun umuna na siya saakin at pumasok sa room niya ako naman diretso lang ako sa room ko habang iniisip kung nandito si Aethan pero nawala ang kaba ko ng wala siya rito. At mga ilang minuto nong matapos akong magbihis biglang may kumatok sa room namin mabilis ko namang binuksan yon mamaya si Aethan e pero si Jeremy lang pala habang ang lapad ng ngiti. " Nandiyan ba si Aethan?" Pagsilip nito at hindi ko na sinagot nakita na niya ang loob e nagtanong pa. " Wala siya, so anong maitutulong ko sayo? Para masamahan mo na ako sa labas" Pagpasok nito kung nandito lang si Aethan baka pinutulan na niya ito ng paa. "Tapos ko nang gawin kaya halika na" Paglabas ko, agad naman siyang sumunod at habang naglalakad kami sa pathway nakaakbay na naman ito saakin hindi ba talaga ito pweding maglakad ng hindi naka akbay ang bigat rin ng kamay niya ah pero natigilan ako ng nasa dulo na kami ng pathway nang bigla niya akong hilain at sa ibang direksyon ang linakaran namin. "S-sandali anong ginagawa natin? Diba doon ang gate bakit dito tayo dadaan?! " Nagtataka ko ritong tanong pero nagulat ako ng takpan niya ang bibig ko pero agad ko rin naman yon tinanggal. " Wag kang maingay basta sumunod ka lang sakin" Pabulong nitong sabi tumahimik naman ako kahit hindi ko alam kung bakit kailangan kung maglakad na parang magnanakaw na kailangan walang makarinig saamin pati ba naman dito? pinagdadaanan ko na nga yon sa kwarto tas pati ba naman dito sa labas at natigilan ako ng huminto kami sa may bakod sa likod ng school namin. " B-bakit tayo nandito?!" Nagtataka ko ritong tanong. "Dito tayo dadaan" Pag-akyat nito sa taas ng bakod. " P-pero bakit? Don na lang tayo sa gate ” tanggi ko agad pagkatapos mapagmasdan ang sinasabi niyang dadaanan namin. " Hindi pwedi, hindi nila tayo papayagang lumabas ng wala ang permit ng mga magulang natin" Pabulong pa nitong sabi. " Pero bakit naman?" " Wag ka ng magtanong pagnahuli tayo iikot tayo sa campus ng sampong beses bilang parusa kaya bilisan mo na" Pagmamadali nito saakin. "Kung ganon wag na lang tayo lumabas mamaya mahuli pa tayo at isa pa pwedi naman tayong kumain dito sa loob" Pagpapababa ko sa kanya sumunod naman ito agad at bumaba. " Sa tingin mo pagkain lang ang dahilan kung bakit gusto kong lumabas?" malungkot nitong sabi hindi naman ako makapagsalita sa sinabi niya ganon ba kahalaga ang pupuntahan niya para malungkot ng ganito? hindi kasi talaga siya yong tipo nang malulungkot. " O sige na nga tayo na" katatapos ko lang magsalita tumalon na ito sa may bakod pero mga ilang minuto binalikan niya rin ako. " Akala ko ba pumayag kana? " " May problema hindi ko kayang umakyat " Kitang kita ko naman sa mukha niya yong mukhang hindi makapaniwala. FYI Jeremy kung alam mo lang isa akong babae at kahit tagaprobinsya ako hindi ako marunong umakyat ng matataas. " Akin na ang kamay mo, abotin ko " paglalahad nito sa kamay niya, anong pinaplano niya hihilain niya ako paakyat? " Hindi ko pa rin kaya" Sa sinabi kong iyon mabilis siyang bumaba. " Diba probinsyano ka? dapat madali lang sayo ang umakyat dito marami kayang puno sainyo" " ANO NAMAN ANG INIISIP NG ISANG ITO? UNGGOY BA AKO PARA AKYATIN ANG MGA PUNO SAAMIN? " Sa isip ko " Bro hindi talaga ako marunong umakyat" at napaatras ako ng bigla itong lumuhod. " Tanggalin mo ang sapatos mo tsaka ka umapak sa balikat ko para makaakyat ka" Agad naman akong sumunod ganito na ba talaga ito kadesperadong makalabas kami. " Bakit ganon ang liit mo pero ang bigat mo? " Sabi nito habang naglalakd kami sa labas, Oo nakalabas na kami at buwis buhay yong ginawa ko first time kong umakyat ng ganon kataas at tumalon ng ganon kataas sa pader ng school nila bantay lang pagwalang kwenta itong nilabasan namin isusumpa ko talagang maging garapata siya next life. " E bakit ikaw ang laki ng ulo mo tas ang liit ng utak mo? " pang-aasar ko rin rito pero natigilan ako ng hawakan nito ang ulo niya. " Malaki ba talaga? pero paano mo nasabing maliit lang ang utak ko? " Sunod sunod pa nitong tanong hindi naman ako makapaniwala sa pinag sasabi niya. " seryoso ba ito?" sa isip ko habang nagtatakang nakatingin rito. " Biro lang" pagtawa pa nito " syempre alam ko yon hindi kasi ako matalino kaya posibleng maliit rin ang utak ko" pagkamot pa nito sa ulo niya alanganin naman akong ngumiti rito saka tumango may pagka-isip bata talaga. " e ano ng plano mo ngayong nasa labas na tayo? Ano nang gagawin natin dito? Ano yong dahilan at lumabas tayo sa school?" sunod sunod kong tanong sa kanya. " Mamaya na lang kumain mo na tayo" Pagpara niya ng taxi agad naman kaming sumakay at pagkatapos naming kumain naglakad lang kami ng hindi ko alam ang direksyon. " Asan ba talaga tayo? " "Sa totoo niyan dadalawin ko kung magaling na si Pretty " Pagngiti nito nalungkot naman ako kaya naman pala nagpakahirap itong makalabas sa school dahil may dadalawin siyang may sakit. " Kung may dadalawin ka naman palang may sakit bakit hindi kana lang nagpaalam ng maayos sa school sigurado namang papayagan ka nila" Malungkot ko pa ritong sabi. " Nandito na tayo! " Pagtingin nito saakin. " Dito na? Animal Clinic... " pagbasa ko sa nakasulat sa tapat ng kinatatayuan namin. "Halika na! " Masaya nitong paghila saakin sa loob tahimik naman akong nagpahila rito habang nagpipigil ng galit kunti na lang talaga sa hospital ang diretso nito paghindi ako nakapag pigil ng galit hindi naman sa hindi ako animal lovers kaya lang muntik na kaya akong mapilayan sa pagtalon sa may pader ng school tas dito lang pala ang tungo namin?! "Doc kamusta na po si Pretty? " Agad naman kaming dinala ng doctor sa tinatanong ni Jeremy at isang itim na aso ang pinagdalhan niya saamin. " Base on my test she's okay now wag ka nang mag amm-alala sa kanya" Pagngiti ng doctor at ganon din naman itong si Jeremy. " Excuse me " Pag-iwan nito saamin. " Ang cute ni Pretty diba? " Titig pa nito sa aso at gusto ko na siyang kutosan sa asar. " Lalaki yang tinatawag mong pretty! " Gulat na gulat naman itong tumingin saakin at tumango lang ako rito bilang sagot. " Akala ko babae " pag-ikot pa nito sa aso para tingnan kung ano ba ang private part nito at hindi ko alam na may nabubuhay palang tulad ni Jeremy mag-isip at mga ilang minuto rin ang ipinalagi namin sa Animal clinic na yon habang nakikipag kwentohan si Jeremy sa Masculine niya, Oo yon na ang itinawag niya sa aso pagkatapos malaman na lalaki na ni minsan hindi rin naman siya sinagot nito sa dami ng tanong niya. " Ngayon mapapalagay na akong okay na siya " Pagngiti nito at natahimik ito lumipad sa ulo niya ang maliliit kong kamao. " Aray! Ang sakit nun " Paghawak nito sa ulo niya. " Akala ko kung ano ng pupuntahan mo na nagpalungkot sa mukha mo tas dito lang pala tsk! halos mapilayan ako doon sa pagtalon sa bakod ng school ah! Halos ibuwis ko ang buhay ko masamahan ka lang yon pala isang payatot lang na aso na hindi mo pa alam ang kasarian! " Asar na asar ko ritong sabi. " Pasensya ka na Julian pero nabangga ko kasi si Masculine kaya ako nag-aalala sa kanya at saka mag iilang weeks na rin siyang namamalagi sa clinic na yon kawawa nga e" kumalma naman ako sa sinabi niya hindi naman talagang maipagkakailang napaka bait nitong si Jeremy. " Pero sana sinabi mo man lang saakin nag-alala pa naman ako akala ko kung ano o sino na itong nagpalungkot sayo " " Sa sunod " Pag-akbay na naman nito saakin pero tumingin lang ako rito. " Sandali hindi ba si Aethan yon!? " Pagturo ko sa lalaking nakatalikod agad naman akong hinila ni Jeremy pababa at nagtago kami sa motor na nakapark, mayamaya sinilip niya yong sinasabi kong si Aethan at tumayo rin siya agad ng makitang hindi yon si Aethan. " Akala ko si Aethan talaga" paghinga nito ng malalim tiningnan ko naman ulit yong sinasabi kong si Aethan at tama siya hindi si Aethan kahawig lang pala niya ng hairstyle " Halika na nga sumakay na tayo mamaya makita pa tayo ni Aethan dito " Pagpara niya nang taxi. " Bakit pala kung makita niya tayo?" " Pagnakita niya tayo siguradong mapaparusahan tayo" " Edi mapaparusahan rin siya kung sakaling magsumbong siya dahil magsusumbong rin tayong nakita natin siya" matapang kong sabi rito. " Hindi nga pala namin nasabi sayo pero si Aethan ang SSG President ng campus. " SSG President? " tingin ko rito. " Oo at every school year na yon hindi na kasi siya pinagbubutohan dahil ang mga teacher talaga ang nag-eelect sa kanya para maging SSG President una dahil sinusunod siya ng mga estudyante lahat nagbibigay sakanya ng respeto pangalawa role model siya at pangatlo ang cool niya nasa kanya ang katangian ng isang leader " pagkukwento pa ni Jeremy yong may halong pagyayabang hindi talaga halatang gustong gusto niya rin si Aethan. "Okay nandoon na ako sa takot kayong lahat sa kanya kaya lang doon sa role model siya sa tingin ko mali ata yon kasi kung talagang ganon siya e bakit minsan hindi siya nag uuniform? bakit siya lumalabas sa classroom ng hindi hinihintay ang sagot ng teacher? at panigurado lumabas rin yon sa may gate ng walang permeso" Sunod sunod ko ritong sabi. " Nong araw lang yon siya hindi nag-uniform hindi ko nga rin alam ang dahilan at yong paglabas naman niya may permit siya yong kapatid niya kasing babae sakitin kaya madalas niya itong dalawin" tumahimik naman ako sa sinabi niya " Hindi mo pa kasi siya kilala pero cool talaga si Aethan" pagngiti pa nito. " Sabi mo nga at alam mo talaga ang tungkol sa kanya at parang hangang hanga ka rin sa kanya noh? " Ngumiti muna saakin itong si Jeremy saka nagsalita. " Marami talagang may gusto sa kanya" " kaya lang... kung marami e bakit wala siyang kaibigan sainyo at Bakit wala man lang may pumapansin sainyo sakanya?" " Sinusubuokan rin naman namin siyang pansinin kaya lang minsan nauunahan kami ng kaba paano kasi nahihiya kami sa kanya" Nahihiya pa nitong sabi habang kinakamot ang ulo niya. " E kasi masungit siya at natatakot kayo sa kanya at nandon rin yong takot niyo baka hindi niya kayo pansinin e kasi nga wala siyang pinagkaka enteresan o wala siyang interest sa inyo" Seryoso ko ritong sabi bahala na kung magalit siya tama rin naman yon at saka yon ang tingin ko sa Aethan na yon. " Hindi mo pa nga siya kilala " pagngiti nito sakin " pero iba talaga si Aethan" Pagkasabi niya nun bumaba na siya sa taxi dumating na kasi kami at gaya ng paglabas namin kanina ganon din kahirap ang pagpasok namin. " O sige ingat ka Julian " pagpapa-alala na naman nito sakin kay Aethan kaya bigla tuloy naalis yong excitement kong dumating sa kwarto agad para makapag pahinga at nong makarating na nga ako sumilip muna ako bago pumasok at nakapatay ang ilaw. " tulog na kaya siya? kaya lang masyado pang maaga para matulog" pagpasok ko at pinaandar ang ilaw at wala nga dito si Aethan " Asan na naman kaya ang isang yon?" paglapag ko sa bag ko pero nong maisip kong wala akong kasama dito bigla akong nakaramdam ng pang-aakit ng banyo at saka pagkakataon ko na ito para maging malaya na naman sa loob ng banyo mamaya dumating pa siya. " Salamat naman" paghiga ko pagkatapos kong maghalf bath at pakiramdam ko nakalaya ako sa hawla habang nagboboses babae pero mahina lang basta ang sarap sa pakiramdam yong puwedi mong gawin ang kahit anong gawin mo pero natigilan ako nang may magring na phone sa bag ko hindi yon ang tunog ng phone ko at bigla kong naalalang tinago ko nga pala ang phone ni Aethan pagkatapos niya itong maiwan kaya agad ko itong hinanap at napatingin ako bigla sa desktop wallpaper niya isa kasing babae at ang ganda niya actually pareho sila ng mata. " Girlfriend niya siguro ito well, bagay sila parehong may hitsura " Itatago ko na sana ito nang magring na naman muli " message?" notification nito noong una nag aalanganin akong tingnan baka patayin pa ako nun pagnalaman niyang pinakialaman ko ito kaya lang siguradong hindi ako makakatulog ng maayos pagdi ko ito tiningnan. " Okay Cindy.... silip lang" at yon na nga sisilipin ko nga lang sana kaya lang bigla ko itong napindot at natigilan ako sa laman ng message " Señorito bumalik po kayong hospital nasa may emergency room na naman po ang kapatid niyo" pagbasa ko sa laman ng message. " E kaya naman pala umalis yon bigla ng walang paalam " pag-iisip ko " Tama nga yong sabi nila no one's perfect akala ko talaga nasa kanya na ang lahat pero mali ako may pinag dadaanan rin pala siya siguro kaya ganon ang ugali niya e kasi wala siyang kaibigan na puwedi niyang paglabasan ng sama ng loob tas ayon pa kay Jeremy wala na itong mommy tas yong step mom niya hindi pa sila magkasundo halata naman yon sa kanila ni Ma'am at saka pagadating naman sa papa niya siguradong limit lang ang usapan nila e kasi hindi naman kasi uso sa mga lalaki ang labasan ng sama ng loob e " pag iisip ko pa habang pinakiki alaman ang laman ng phone niya at napabangon ako bigla sa laman nito yong album iisa lang ang laman nitong picture tanging yong Desktop wallpaper lang nito tas sa music walang laman ganon din ang video, at ang phone book number tatlo lang ang nakaphonebook kung saan Sam, Doc., at butler Alex. "tama nga yong sabi ko wala siyang pinag kakainteresan mapatao man yan o bagay, maaring tama yong iniisip ko sa kanya wala kasing nakaphonebook dito na kaibigan, pamilya o magulang o baka naman wala na rin siyang mga magulang? " sa naisip kung yon pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa panlalalit o panghuhusga ko sa ugali ni Aethan nang hindi inaalam ang pinagdadaanan nito. " tama nga sina Jeremy kailangan ko siyang kilalanin at kaibiganin siguro kaya nga ganon ang ugali niya dahil malaki rin ang problema niya ang pinagkaiba nga lang namin may pera siya kaya lang wala naman siyang mga kaibigan na kakausap o mapaglalabasan niya ng sama ng loob, hindi tulad ko ” pag iisip ko kila Liya " At simula bukas yon ang magiging mission ko ang kilalanin siya at gawing matalik na kaibigan! Tama!!! humanda ka bukas bestfriend Nathan!!!!" sa naisip kong iyon nakahinga ako ng maayos at natulog ni lock ko na rin ang pinto paniguradong hindi yon uuwi ngayon baka nasa hospital siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD