JULIAN'S POV:
Lumipas ang araw ng mabilis kung saan makikipag sapalaran na ako sa Manila at tuloyan ng kakalimotan kung sino ako.
" Hija, 'wag mong kalimotan ang mga itinuro ko " Ngumiti lang ako kay tita at bahagyang tumango bilang sagot.
" Sige nga try natin " ani Tita " Kunwari nasa Empire University kana paano ka babati doon? "
" Magandang Umaga "pagpapalaki ko sa boses ko para maging boses lalaki.
" Bawasan mo lang ng kunti tapos iwasan mong ngumiti dahil nagmumukha kang babae maliwanag? " mga bilin nito.
" Okay po " Pagtango ko rito niyakap naman niya ako pero natigilan ako ng dumako ang tingin ko kay Liya habang nakayuko at naghahabolan ang mga tubig sa mata niya.
" oiii na ano ka diyan? "pagtapik ko rito habang nakangiti para alisin itong kalungkotan niya. Agad naman siyang umiwas saakin ng tingin at pinunas ang mga luha niya.
" hindi ako sanay ng hindi ka kasama " Pagyakap niya saakin at siguradong mamimiss ko itong mahihigpit niyang yakap.
" Paano pagmay kaaway ako sino nang magtatanggol saakin? wala na nga si kuya tas aalis ka rin, ang daya e " At umiyak na naman siya kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit ayaw ko rin namang umalis pero wala akong magagawa.
" Ano ka ba babalik rin naman ako at saka sabihin mo lang sinong mang-aaway sayo makikita nila kung paano ako makipagsuntokan, nalimotan mo ba hindi na ako basta babae lang? " Pagbibiro ko pa rito pero naaasar itong tumingin sakin habang pinipigilan matawa.
" Ayaw kong ngumiti dahil hindi ako masaya basta mangako kang mag-iingat ka doon palagi! " Paghagulgol pa nito kaya hindi ko rin napigilang hindi maiyak.
" Tama na yan pwedi naman kayong magtawagan" pagpapatahan saamin ni Tita "Sige na Hija, pumasok kana baka maiwan ka pa" Pagtingin niya sa loob ng airport agad naman tumalikod si Liya na tuloy pa rin sa pag-iyak since kindergarten friend na kami, sister na nga ang turing namin sa isa't isa kaya ganito na lang ang nararamdaman namin.
" Sige po Tita, oii! aalis na ako" Pagpalo ko sa likod niya bigla naman siyang humarap saakin at ngumiti.
" Sige na layas na! " Pagtawa pa niya habang pinupunas ang luha nito para maayos akong makaalis.
" Magpaka matured kana ah iwasan ang pagiging childish " Pangaral ko pa rito bago pumasok sa airport kahit hindi ako lumingon alam kong kumakaway ito habang umiiyak.
PAGKAPASOK ko dumiretso na akong naupo para sumilip sa labas at mga ilang minuto lumipad na rin ito kahit ang hapdi hapdi na ng mata ko hindi ko pa rin maiwasang hindi umiyak ang maisip na iiwan ko ang lugar na kinalakihan ko, ang bestfriend ko, at higit sa lahat ang totoong ako.
"Julian... salamat hanggang ngayon ikaw pa rin ang nagliligtas saakin.. nakakahiya noh? noong nabubuhay ka ni minsan wala akong nabigay sayo puro problema nga ang dala ko sayo wala kang ginawa kundi patawanin ako everytime na magkasama tayo paano kasi napaka iyakin ko tapos ngayon kahit nasa kabilang buhay kana ginugulo pa rin kita at hindi ka pa rin nagsasawang tulongan ako" Napapangiti na lang ako habang naaalala kung paano ako pinapatawa ni Julian tuwing umiiyak ako sa harapan niya. At pagkaraan ng ilang oras dumating na rin ako, pagkababa ko sumakay agad ako ng taxi kahit ngayon lang ako nakapunta sa Manila nagawa ko pa rin hanapin ang bagong school na papasokan ko, tinuruan kasi ako ni Tita kung paano makakarating sa Empire University at isa pa wala rin naman akong choice kundi hanapin mag-isa at mga ilang oras din yong naging biyahe ko bago makarating rito mabuti na lang familiar din kay manong driver, siguro ganon talaga kabongga itong bago kong school.
" Miss dumating na po kayo" Paggising saakin nong driver at napamulat naman agad ako sa tinawag niya saakin.
"A-anong tinawag mo sakin?" nakakunot noo kong tanong rito at nakita ko namang kinabahan siya sa sinabi at pagsusungit ko.
" Sorry Sir akala ko po babae kayo, e mukha po kasi kayong babae nong natutulog kayo" Paliwanag ng driver kaya bumaba ako agad at nilapit rito ang mukha ko saka pinakita rito ang outfit kong maluang na pantalon at naka t-shirt ng may jacket tsaka tinaas ng kunti ang kamao ko pero binawi ko rin yon agad maliit kasi ang mga kamao ko syempre hitsura ko lang ang kaya kong retokihin pero hindi ang buo kung katawan.
" Ulitin mo pang babae ako makikita niyo" Pagtaas ko sa mga paa ko napalunok naman yong driver at saka sumakay.
" kasalanan ko bang mapagkamalan siyang babae, e sa mukha talaga siyang babae " bulong pa nong driver bago umalis pero hindi ko na yon pinansin mamaya tuloyan pa akong maboking.
"Ang cool ng ginawa mo!!!" Gulat na gulat ako sa biglang pagsasalita nitong lalakeng nasa may edad ko rin saka ito biglang umakbay saakin pero binawi ko agad ang naging reaction ko.
" Ah! ang alin bro? " Naiilang ko ritong tanong pero napakunot ang noo ko nang tumawa siya ng malakas.
"Hahahah! Kinakabahan ka ba? Nga pala Jeremy!! " Pakikipag kamay niya, inabot ko ko naman yon agad.
" Ju-julian! " Nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ako at niyakap ganito yong ginagawa ni Julian pagnagkikita sila ng mga tropa niya kaya hinayaan ko na siya sa katunayan niyakap ko nga rin siya.
" Ang lambot mo Dre ah! hindi ka siguro nagge-gym" Pagngiti oa nito sakin habang tinitingnan ang buong katawan ko mula ulo hangga dibdib na para bang hinihusgahan ako.
" Ah, Oo nakakatamad kasi" Pagdadahilan ko rito na may pagyayabang saka rito bahagyang lumayo para matigil ang pagmamasdan nito saakin pero ganon na naman ang gulat ko nang akbayan na naman niya ako ng parang yakap at wala naman akong magawa rito dahil ayaw kong mabuko agad kaya tiniis ko na lang itong mala-linta nitong ugali.
" Sa tingin ko bago ka rito at kararating mo lang kaya sasamahan na lang kitang hanapin ang room mo total wala rin naman akong ginagawa " Paglalakad namin habang nakaakbay pa rin siya saakin.
" Salamat " Yon lang ang nasabi ko hindi kasi ako maka kilos ng maayos sa yakap niya hindi ko naman magawang magreklamo dahil baka nga mamaya maboking pa ako at saka ako rin naman ang makikinabang nito.
" Hi Jeremy!!! " Kaway nong mga babae sa kanya at ginantihan niya rin naman ang mga ito with smile pero natigilan ako sa pagtingin sa mga babae ng mapansing nagpapacute yong iba sa kanila sakin.
" Kadiri!! " Napatingin saakin bigla si Jeremy sa lumabas sa bibig ko " Ah kasi kanina may dumi sa daanan, pasensya na... " Pagdadahilan ko.
" Naku! baka namasyal na naman si Leugo " pagngiti nito napaisip naman ako sa sinabi niya pero hindi ko na tinanong kung sino o ano si Leugo wala rin naman kasi akong makukuha doon.
" Ah nga pala magkahalo ba ang dorm ng babae at lalake? " Alanganin ko ritong tanong pero natigilan ako ng tumingin ito saakin ng makahulogan.
" Ikaw ah! first day mo pa lang rito babae na agad nasa isip mo " pagsuntok niya sa braso ko at pakiramdam ko tumagos ata sa kalamnan ko, alam ko joke yon pero babae pa rin naman ako kaya ramdam na ramdam ko.
" Magkalayo ang dorm ng lalake at babae pero don't worry maraming magaganda rito at araw araw mo silang makikita at kung mahusay ka puwedi kang alam mo na__ " nanluluko niyang tingin saakin sa makahulogan nitong sinabi, grabe akala ko mabait ang isang ito dahil sa mala anghel niyang ngiti pero may pagkamanyak rin pala.
" Pero ito ang iingatan mo... mabigat ang punishment ang sino mang mahuhuling lalake na pumupunta sa dorm ng mga babae ganon din ang mga babae kapag pumunta sila sa dorm natin "Napalunok naman ako sa sinabi niya.
" Huh, e paano kung halimbawa may bakla sa dorm ng mga babae? " Mga ilang minuto nanatili saamin ang katahimikan sa tanong kong iyon, ano ba kasing pumasok sa isip ko at tinanong ito paano kung maboking ako? At napaatras ako ng titigan niya ako pero maya maya tumawa siya may saltik ata ang isang to eh.
" Maganda yong naisip mo ah! paano nga kung magpanggap tayong babae at pumunta sa dorm nila ano kayang makikita natin doon? " Pagtingin pa nito sa taas na halatang nag-iisip ng SPG-striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.
" bro, tumigil ka nga! " pagbatok ko rito kaya masama itong tumingin sakin.
" Ikaw nga itong nag-isip nun tas ako ang lumabas na masama tssst! tinulongan ka lang mag-isip sa kalukohan mo eh " Pagkamot nito sa ulo niya at sa ikinikilos niya may pagka-isip bata rin ata ang isang ito.
" E ano ngang mangyayari kung may bakla ngang nagpapanggap sa dorm ng mga babae?" Tanong na naman ng bibig ko at nakakaasar parang hinahanap ko din talaga ang dahilan para magkaroon siya ng idea sa katauhan ko sa pagpasok rito.
" Hindi ko rin alam, e kasi wala pa naman akong nababalitaang nangyayaring ganon dito bakit may kilala ka bang nagpapanggap?" Sininok naman ako sa tanong niya at kapag ito nakahalata dahil sa pagtatanong nang bibig ko ng walang permeso ibebenta ko ito sa puting van na nagunguha ng lamang loob, ay! labas kalamnan pala itong bibig ko ay naku! tama na nga ang dami ko ng sinasabi.
" Huh! wala natanong ko lang naman yon, e kasi bago lang ako rito kaya gusto kong malaman ng lubosan itong school na pinasokan ko" dahilan ko agad.
" Ganon ba? pero wala pa namang kasong ganon rito pero alam mo ang swerte ng makakaisip nun biroin mo parang nasa langit siya araw araw "m******s talaga ang isang ito sana lang wag kami maisa ng room.
" Sandali ilang tao ba ang natutulog sa bawat room? "
" tatlo pero swerte ka kung sa kwarto ni Nathan ka malalagay dahil dalawa lang kayo "
" Nathan? "Curious ko ritong tanong nong banggitin niya kasi ang pangalang iyon akala mo artista.
" Si Nathan, ang Apo ng may-ari nang school na ito"
" Apo? Dito siya nakatira? Pero bakit? anak mayaman isisiksik ang sarli rito? "
" Gago! mayaman naman talaga lahat ng nag-aaral rito " mayabang nitong sabi na para bang nainsulto sa sinabi ko " pwera na lang ikaw? " Pagtingin pa nito saakin mula paa hanggang leeg iniwas ko kasi rito ang mukha ko mamaya makahalata pa eh.
" Tama ka sa iniisip mo, hindi ako katulad niyo nandito ako dahil pumasa ako sa scholarship ng school na ito at galing ako sa malayong probinsya" at ganon na naman ang gulat ko ng bigla niya akong yakapin at gulohin sa buhok.
" So matalino ka? Grabe!!! " Natutuwa nitong sabi " Oiii Julian, Dre! pakopya lang pagmay quiz tayo at exam ah?! " makulit nitong tingin saakin at hindi ko alam kung nagbibiro ito sa sinabi niya " Alam mo kasi 2 years na ako sa first year college ang talino ko kasi HAHAHAH! at saka ang pangako saakin ni mommy ibibigay niya lahat ng hihilingin ko kung makaka proceed ako sa 2 year college " Masaya pa nitong sabi, agad ko namang nilayo rito ang buhok kong kanina pa niya ginugulo.
" kung ganon ingot din siya " pag-iisip lo pagkatapos kong mapagtanto na seryoso ito sa pangongopya niya.
" Hindi naman ako ganon katalino pumasa lang ako ganon " Paglalakad ko at agad naman niyang hinablot ang malita ko at siyang nagdala.
" Napansin ko kanina ka pa nahihirapang magdala nito(maleta) ang laki ah, ano bang laman nito? " Agad kong pinalo ang kamay niya ng tangkain niyang silipin ang laman nito at kinuha rito agad mamaya makita pa niya ang mga panty ko, nga pala yong mga damit ni Julian binigay sakin ni Tita malalaki saakin ng kunti pero okay na rin yon para hindi klaro ang katawan ko syempre shape pambabae rin naman noh.
" Sungit para namang kukunin ko " Pagnguso nito.
"Hindi naman sa ganon pero ayaw ko lang kasing ginagalaw ang mga gamit ko " dahilan ko at hindi nagtagal dumating kami sa tagapamahala ng room.
" Ikaw ang bago at huling lalakeng dumating! " Tumango na lang ako sa sinabi niya bilang pagsang-ayon nakakatakot kasi ang seryoso ng mukha pagkwan kumunot ang noo niya ng dumako ang tingin niya kay Jeremy.
" At ikaw bakit nandito ka? "
" Sinamahan ko po yan " Sagot nito, tumahimik naman ang tagapamahala ng kwarto na tela kaibigan lang ang kumausap sa kanya.
" Here's your key " pagbibigay niya saakin sa susi " room 05 ka, isa lang ang rules ko bawal kang pumunta o magpapunta ng babae sa room mo " Strektong sabi nito "sige, labas na! " Sumunod naman ako agad pero nagulat ako ng umakbay na naman itong si Jeremy.
" Swerte ah, si Aethan ang ka roommate mo " Nakangisi nitong sabi kaya natakot tuloy ako bigla.
" S-sino ba yang Nathan o Aethan na yan? "
" Makikilala mo rin siya " pagngiti nito kung saan ramdam mo sa boses niya ang pagmamalaki sa pangalang Nathan, hindi kaya artista ito? Well, hindi malabo yon dahil nandito ako sa isa sa sikat na school sa Pilipinas kaya hindi nakakapagtaka kung may mga artista ring nag-aaral rito.
" Nandito na tayo sa kwarto ko, number 03, kapag may kailangan ka punta ka lang saakin hindi bawal ang bisitahin ang kapwa mo lalake at ako ganon din sayo " pagngiti nito saka humiwalay saakin " Sige, diretso kana diyan lang sa unahan ang room mo good luck kay Nathan sumigaw ka lang pagsinaktan ka niya" Pananakot pa nito hindi ko tuloy maiwasang macurious kung anong klaseng nilalang itong si Aethan.
" O sige nananakot ka pa e " Pag-alis ko at narinig ko na naman ang tawa niya.
" Grabe ang cute niya maraming mabibinggwit na chicks itong si Julian at mukhang mahilig rin sa babae at pagnagkataong tama ang iniisip ko sa kanya siguradong hindi sila magkakasundo ni Aethan "
PAGKAHARAP ko sa room ko huminga muna ako ng malalim bago pumasok para maalis ang kaba ko at hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako sa sinasabi niyang Aethan na siyang karoommate ko pagkwan pinihit ko paikot ang lock ng pinto saka ito binuksan ng mahina, sumilip muna ako sa loob at nang makita kong walang tao saka ako pumasok at pagka-ayos ko sa mga gamit ko at higaan sumandal ako sa dalawa kong unan at hindi ko namalayang naka-idlip ako.
NAPABANGON ako bigla ng marinig ko ang pagbukas ng pinto nalimotan ko palang hindi ko yon naisarado ng maayos kanina.
" Sino yan? " Pagtayo ko pero napatalon ako bigla sa kama ng isang pusa ang biglang pumasok ayaw ko pa naman ng pusa once na kasi akong kinalmot ng pusa noong bata ako kaya doon na rin nagsimulang kamunghian ko sila.
" Tsuuhhh! "
" Labas! "
" hoy! "
" Pangit na pusa" Mahina ko ritong pagpapalayas at hindi na rin ako nagboses lalake gabi na kasi siguradong tulog na ang lahat pero biglang umusok ang ilong ko ng umakyat ito sa kama kung saan doon ko pinatong ang mga gamit ko at doon na ito natulog.
" Hoy! Pangit labas!!!" Hindi ko talaga napigilang mapalakas ang boses ko kaya agad akong napahawak sa bibig ko at nakiramdam kung may gising pa pagkatapos kong hindi magboses lalake at wala naman akong narinig kaya napahinga ako ng maayos pero napataas kilay ako ng tingnan ako ng pusa na animo'y nagsusuplado.
" Meow.... Pusa labas na dali....." pagpapalabas ko ritong muli pero hindi man lang ako nilingon hanggang sa makatulog ito.
" Hindi kaya ito si Aethan? " Pagtingin ko ng mariin sa pusa pero wala namang kakaiba rito dahil mukha talaga itong pusa.