Chapter 4

2976 Words
" Ang lakas mo palang uminom " Pagsulpot bigla ni Jeremy at umakbay saakin. " Sa probinsya kasi namin may labanan doon ng inoman kung sino ang mananalo makakakuha ng pera bilang reward at ako ni-minsan hindi ako natalo doon " Pagyayabang ko pa rito pero totoo naman yon hindi talaga ako natatalo lalo na kung pera ang usapan. " Kaya naman pala parang wala lang sayo yong pag inom mo kagabi " Pagtingin pa nito saakin tumango naman ako rito bilang sagot pagkapasok namin sa classroom agad na akong umupo sa totoo lang may hang over akong kunti at nadadagdagan sa ingay ng mga klasmets ko pero buti na lang din at hindi na nila ako pinag-umpokan. " Ay! Sorry!!! " Pagpunta saakin nong kaklase kong babae nong tamaan ako ng nilokot niyang papel para talaga silang mga bata hindi sila nakukontento sa sigawan, harutan, dahil nagbabatohan at naghahabolan pa sila. " Ah, Julian may nararamdaman ka bang masama? " Paghawak niya sa noo ko baka nahalata niyang medyo masama ang pakiramdam ko pero natigilan ako ng biglang magsigawan ang mga kaklase ko. " Ayiieeeeee! Baka may mabuo diyan ah! " sigawan pa nila kinilabotan naman ako sa mga pinagsasabi nila at napatayo ako bigla ng paglingon ko titig na titig saakin itong kaklase kong babae habang nagpapacute muntik na nga kaming makapag kiss sa sobrang lapit nito saakin. " Natakot sayo si Julian" Pang-aasar pa nila rito habang nagtatawanan kaya mabilis itong umayos ng tayo at masamang tumingin saakin. " A-ah hindi sa ganon nagulat lang naman ako " Kumalma naman ang mukha niya sa sinabi ko. " Ibig sabihin cute din ako? " paglapit na naman nitong muli saakin. " tsk! bakit naman ganito ang mga babae dito haist! babae po ako hindi tayo talo" sa isip ko habang tumatango sa kanya pero natigilan ako ng bigla siyang umalis sa harapan ko at yong iba kong mga kaklase mabilis na pinulot yong mga papel na pinambabato nila sa isa't isa at umayos silang lahat ng upo saka tumahimik. " Ano bang meron hindi naman ganito ang mga ito kahit may teacher na dumadating" Pag-upo ko na rin, ako lang kasi ang nakatayo pero natigilan ako ng may biglang umupo sa tabi ko hindi ko makita ang mukha niya dahil diretso itong nakaupo at nakaharap sa board pero familiar siya saakin hindi ko alam kung saan ko siya nakita basta parang nakita ko na siya pero sa tingin ko transferee rin siya hindi kasi naka-uniform. " Hi! Klasmet " Pagbati ko rito pero didma lang siya " suplado! pero baka nahihiya lang " sa isip ko kaya kinausap ko pa. " Ako nga pala si Julian! tulad mo, transferee ka rin diba? sana magkasundo tayo " Paglalahad ko sa kamay ko pero muntik na akong mahulog sa upuan ko ng humarap ito saakin habang magkasalubong ang kilay niya kaya naman pala familiar sakin tsk! kilalang kilala ko na ang ganitong mga tingin. tsss! siya lang naman yong mukhang pusa kahapon na kinulang sa aruga. " Ang ingay mo! " Yon lang ang sinabi niya saakin tssst! hindi pa rin siguro niya nalilimotan yong kahapon para naman kasing kriminal ang tingin nito saakin. " I'm glad you're here, Nathan! " pambungad ng teacher namin ng pumasok ito kaya napatingin naman ako sa kanya bigla. " NATHAN?! so ibig sabihin itong lalaking ito ang sinasabi ni Jeremy na Nathan/Aethan na akala mo imperador kung irespeto tuwing babanggitin ang pangalan at itong lalaking ito na ayaw akong makita ang KASAMA KO SA KWARTO?!!! Pati ba naman dito sinusundan ako ng kamalasan sa dinami dami ng puwedi kong makasama siya pa?! ang sama pa naman ng unang pagkikita namin at saka mukhang kriminal ang tingin nito saakin e panigurado ako ang agrabyado sa istoryang ito " at sa naisip kung ito di ko maalis ang mga tingin ko sa kanya kaya pakiramdam ko nagslow ang paligid ko ng humarap ito saakin habang naka pamulsa ng kamay at nakakunot ang noo. " ano...? " Pagtaas ng isa nitong kilay ng walang reaction maliban sa masusungit nitong mukha kaya kinikilabotan tuloy ako tsss! okay sana kung maganda ang pagkikita namin noong una e kapag minamalas ka nga naman hindi ko maitindihan pero iba ang pakiramdam ko sa isang ito kaya ba parang takot silang lahat dito? iba kasi yong awra niya basta ngayon lang ako kinabahan ng ganito kahit sa pinagkakautangan nila papa hindi ako kinabahan ng ganito, sana lang maging mabait rin siya saakin. " Pasensya na " Pagpaumanhin ko rito kahit wala naman akong ginawa pero masama lang itong nag-iwas saakin ng tingin ng wala man lang sinasabi kaya umupo na rin ako ng alanganin. " Bakit absent ka kahapon sa class ko at bakit nakasibilyan ka?!" pagcross arm rito ng teacher. " Bakit may batas bang nagsasabi na bawal akong mag-absent? " Sabi rin nito habang nakatingin sa teacher " At saka Naka uniform man o naka sibilyan pareho lang naman kaming natututo hindi basihan ng uniporme ang utak " pagturo pa nito sa ulo niya pero infairness ang cool niya. " Well, I know that you know, wearing uniform is one of the policy of our school at doon natin nakikilala ang tunay na matitinong estudyante at may utak" Matapang na sabi ni Teacher. " So sinasabi mo bang mas matino at matalino saakin ang isang ito!?" Nagulat ako ng bitbitin niya ang kuwelyo ng damit ko sa likod na siyang ikinatayo ko. " Huh, bakit ako? "Nanlalaking matang tanong ko pero masama lang akong nilingon ng Nathan na ito. " Yes, he's more excellent than you___ " " Then, why don't you test us!? " Pagputol niya sa pagsasalita ni Teacher na siyang ikinatahamik ng lahat maging ang teacher at ako gusto ko ng bumalik sa probinsya ko. " Okay! At kapag napatunayan niya ang sinasabi ko you will get a red mark in my class! How dare you to talk to me like that!?" " Deal! pero paghindi! ang gusto ko lumayas ka sa paaralan na ito! and lets just clear it hindi ko sinasagot ang mga taong nirerespeto ko puwera na lang kung hindi ka kasali don at hindi karapat dapat na erespeto" Napatikom naman ng bibig ang teacher namin sa galit dahil sa sinabi ng Nathan na ito kinulang talaga siya sa aruga pati teacher hindi pinalampas tsk! gangster ba ito? Maton? o baka pinaglihi sa luya. " Okay, Mr. Reyes how did you understand the word ethics? " " Ethics is *blah *lah" sagot ko sa teacher napangiti naman ito ng matapos kong sagotan ang tanong niya hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakasagot ako ng maayos o ano, ang sama kasi makatingin nitong mga klasmet ko at bakit parang mas lalo akong nahirapang huminga pagkwan nilingon ko itong si Nathan at ngayon nag-iba na talaga ang awra niya para siyang bomba na puputok na. " See?, paano yan bibigyan naba kita ng 70? or 60?" Pagngiti ng teacher ramdam ko yong paghinga ni Nathan ng malalim pagkwan binitawan niya ako hindi ko talaga alam ang dapat kong maramdaman parang may kwento kasi sa kabila ng nangyayaring ito. " Ethics is an area of study that deals with ideas about what is good and bad behavior and it is a branch of philosophy dealing with what is morally right or wrong" Napanganga naman ako sa sagot ni Nathan akala ko siya yong klase ng istudyanteng puro paguwapo lang o p*******t ang alam. "Paano yan? pareho kaming may laman ang utak naka uniform man siya" Pagpalo niya sa likod ko tumunog nga yon sa lakas hindi ko alam kung bakit ganito ang mga lalaki puwedi namang hawakan lang diba? bakit kailangan pang mamalo paghawak ko ng bahagya sa likod ko masakit talaga eh " At ako, hindi! but we answered your question equally" Pagngisi nito halata namang kumunot ang noo ng teacher namin at galit na lumabas sa klase kahit hindi pa tapos ang oras ng klase niya. " Bwesit! !" Dinig kong sambit ni Nathan bago umupo at wala man lang may gumagawa ng ingay sa classroom ngayon paghinga ko nga lang ang naririnig ko. At hanggang sa matapos ang klase tahimik kaming lahat at itong si Nathan kanina pa naka simangot ni minsan hindi nagsalita o ngumiti. At ang napansin ko rin ni minsan hindi siya naglabas ng ballpen o notebook basta mataman lang siyang nakatingin sa discussion pumapasok lang ata ito para sa allowance e. " Yon ba ang Aethan? " Tanong ko agad kay Jeremy ng makalabas kami. " Oo nakakatakot siya hindi ba? " Kinikilabotan pa nitong sabi napatango naman ako tama rin kasi siya. " Pero napaka cool niya rin hindi ba? " Nakangiti nitong sabi. " Ang alin don? Yong pakikipagsagotan sa teacher o yong hindi pagsusuot ng uniform? " Medyo naiirita ko ritong sabi. " Alam mo doon lang naman kay Ma'am Villasore yon nakikipag sagotan" Napatingin naman ako sa sinabi niya ang pagkaka alam ko kasi Nathan Villasore ang full name nun, ayon sa narinig kong pagtawag rito ng ilang teacher kanina. " Villasore? " Tumango naman si Jeremy sa sinabi ko. " Mother ni Nathan si Ma'am Vellasore?" " Step Mom! " pagsulpot ng babae sa pag-uusap namin saka umakbay kay Jeremy infairness ang ganda niya lalo na ang malalaki nitong mata. " Kristine! Nathan's girlfriend " Pakikipagkamay nito pero bago ko pa ito maaabotin bigla itong pinalo ni Jeremy. " Tsk! nangangarap baka mong maging girlfriend " Sabi ni Jeremy kaya masama itong tiningnan ni Kristine. " Just wait! he will be mine! " Pagsnob pa nito. " So your name? " Baling nito saakin muli. " Julian " ganon na lang ang gulat ko nang bigla niyang hawakan ang tiyan ko. " Ang lambot naman " desmayado nitong sabi " hulaan ko wala kang abs noh? " Pinalo naman agad ni Jeremy ang ulo nito ng mahina. " aray! " Masama na naman nitong tingin rito. " Ang bastos mo! Halika na nga Julian at ikaw maiwan ka rito" Pagturo niya kay Kristine, ngumuso naman ito saka tumalikod. " Kaano ano mo? " Tanong ko rito agad habang naglalakad base kasi sa mga kilos nila sa isa't isa parang may special treatment sila sa bawat isa. " Childhood friend " nakukulitan nitong sabi pagkatapos lingonin si Kristine " Pagbigyan mo na yon may pagka-immature kasi " Pagngiti nito. " Mukha nga, pero bro sabi mo kanina stepmom ni Nathan si Ma'am Vellesore?" Bahala na kung isipin niyang tsismosa ako e sa nakaka intrega naman talaga e. " Oo, stepmom at ang pagkakaalam ko ayaw sa kanya ni Aethan at napansin mo naman yon kanina hindi sila magkasundo at hindi ko na alam ang storya sa likod non " Pagtawa nito at iwan ko kung anong nakakatawa sa sinabi niya baliw talaga din eh! pero hindi na ako nagsalita pa baka isipin talaga nitong tsismosa ako pagkwan naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko saka nagpaalam pumasok sa room niya ako naman diretso agad sa room ko pero napakunot ang noo ko ng makitang nagkalat sa sahig ang maleta/gamit ko. " Anong nangyari rito?! " Nagtataka kong tanong habang pinupulot ang mga gamit ko at natigilan ako ng may biglang pumuntang sapatos sa harapan ko base sa desinyo nito panlalaki ito. " Ugali mo bang hindi kumatok at pumasok sa kwarto ng may kwarto?! " Kahit hindi ako tumingin alam kung si Nathan ito. " Pasensya na pero alam mo kasi ito rin ang kwarto ko" Nakayuko kong sabi hindi na ako tumingin rito alam ko namang galit ito saakin. " Ano?! " Medyo malakas nitong tanong kaya napapikit na lang ako sa kaba. " Hindi ba't sinabihan kitang ayaw kitang makita at ang maalala ko sumang-ayon ka doon? " Kung bomba siya kanina pa siguro ito pumutok kung may choice lang ako ayaw ko ring makasama ka noh. " Hi-hindi ko naman alam na ikaw ang kasama ko kaya ko masabi yon____ " natigil na lang ako magsalita ng magsalita ito iwan io ba kung naririnig pa ako nito. " Araw araw na ngang nakadisplay yang pagmumukha mo sa classroom pati ba naman dito sa kwarto ko? " " Wala naman akong magawa " Nakayuko ko pa ritong sabi mas mabuti na yong magpakumbaba baka may pinagdadaanan lang ang isang ito kung bakit ganito ang ugali niya pero ano naman ang pagdadaanan niya e nasa kanya na ang lahat tsss! masama lang talaga siguro ang ugali nito pero gaya ng sabi ko mas mabuti ng magpakumbaba para hindi lumaki ang gulo. " At sinong nag-utos na kasama kita rito? " " Yong tagapamahala ng room siyang nagsabi sakin na dito ang room ko " Nakayuko ko paring sabi at naramdaman ko na lang ang pag-alis niya sa harapan ko kaya agad ko itong sinilip habang nakatalikod ito at nakadikit ang phone sa tainga niya na sa tingin ko may tinatawagan. " Bakit may kasama ako rito sa room 05? gawan mo ito ng paraan ayaw ko ng may kasama lalo na kung ang isang ito! " Galit nitong sabi sa phone saka binaba ng hindi man lang hinihintay ang sagot ng kausap. " Dalian mong ligpitin yang gamit mo saka lumabas " Sabi nito habang naka cross arm na nakatingin sakin kaya napalunok naman ako bigla. " P-pero san ako pupunta? Saan ang bago kung kwarto?" Sunod sunod ko ritong tanong natahimik na lang ako ng itapon niya sa labas ang mga gamit ko. " T-teka anong ginagawa mo?" Pagsigaw ko rito hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinigawan ko siya basta ang alam ko naaasar ako ngayon sino ba naman ang hindi magagalit kung itatapon ang mga gamit mo kaya ngayon mas kumunot ang noo niya. " Alam kong ayaw mong may kasama pero hindi tama yong itapon mo ang gamit ko! kaya ko namang ilabas ah " Nanggigigil ko ritong sabi pero napaatras ako ng bigla siyang pumunta sa direksyon ko. " Kung alam mo naman pala bakit hindi mo pa nilalabas yang mga gamit mo o baka gusto mong itapon ko rin gaya nong ginawa ko sa una?" Nanlaki ang mata niya ng itaas ko ang kamao ko. "Ano yan susuntokin mo ako? " Pagtawa nito na halatang hindi makapaniwala. " KALMA LANG CINDY!!! HINDI MO RIN KAYANG MAKIPAG SUNTOKAN KUNG PATULAN KA NIYAN "Sa isip ko saka binaba ang kamao ko. " Excuse me! "Pagkuha ko sa ilang gamit ko saka linabas pabigla naman niyang isinara ang pinto at nakakabingi sa lakas. " Saan na ako ngayon? " Pagyakap ko sa mga gamit ko habang pinipigilang mahulog ang luha ko pero mga ilang minuto dumating bigla yong tagapamahala ng room at mabilis na kumatok sa pinto ni Aethan pero hindi siya pinagbuksan nito ni pagsagot sa mga twag niya rito hindi niya nagawa. " Saan ba kasi pinaglihi ang isang ito at bakit ngayon lang nagreklamong ayaw nang may kasamang iba sa kwarto " Naasar na sabi ng tagapamahala pagkwan nilingon niya ako. "Ano bang ginawa mo sa kanya? " Pagkuha nito sa susi ng kwarto ni Aethan sa bulsa ng pantalon niya. Hindi naman ako makasagot rito ni ako nga hindi ko alam kung bakit nagagalit saakin ang Aethan na yon. Ang babaw naman kasi ng dahilan kong dahil lang doon sa pangit na pusang si Leugo. " Aethan___ I mean Mr. Villasore give me one month tas paaalisin ko na itong si Mr. Reyes sa kwarto mo kunting uras lang " Sabi nito agad ng mabuksan niya ang kwarto at napapikit ang tagapamahala sa takot ng biglang pabagsak na nilapag ni Aethan ang phone niya saka nagsalita. " Ano?! Kunting oras ba sayo ang one month?! " halos pasigaw nitong tanong maging ako napalunok grabe nakakatakot pala talaga siya. " Ehhh Aethan___ I me-an Mr. Vellasore, inaayos pa kasi yong banyo sa room 18 pangako pagnaayos yon ilalayo ko rito si Mr. Reyes " " Ako pa ang mag-aadjust bakit hindi mo siya isiksik sa iba?" pagturo pa nito saaking kanina pa naninilip sa kanila hanggang ngayon nasa labas pa rin kasi ako kaya ito para akong pagong na bumalik sa bahay niya. " Alam mo namang wala nang bakanteng kwarto itong sayo lang at saka kayong dalawa lang naman e pangako after 1 month lalayas na siya rito " this time tumahimik na si Aethan saka lumabas todo iwas naman ako rito pagkwan pinapasok agad ako ng tagapamahala. " Makinig ka! Pagmay sinabi siyang ayaw niya wag na wag mong gagawin! ang gawin mo lang sa loob ng kwartong ito ay magkunwaring hangin wag mong iparamdam na may kasama siya dito sa loob dahil kung hindi sa labas ka matutulog, MALIWANAG?!!!" Pagtulong pa nito saakin sa pag-aayos sa gamit ko. " Opo, pangako!" Pagkatapos naming ayosin ang gamit ko lumabas na siya at paulit ulit niyang pinaalala saakin na magkunwaring hangin. Then, after kong kumain nahiga na ako at mga hatinggabi nagising ako sa pagbukas ng pinto nang kwarto namin, dahan dahan naman akong sumilip sa taas kasi yong kama ko and it was Aethan habang naka kunot ang noo bakit ba palagi na lang ito ampalaya. " kaasar! " Dinig na dinig kung sabi niya saka nahiga at pumikit ano bang problema nito wala ng magandang salita na lumabas sa bibig niya pero infairness ang gwapo talaga niyang nilalang at ang ganda nang kutis paglabas ko pa sa ulo ko sa higaan para lang masilip siya ng maayos pero natigilan ako nang bigla itong bumangon kaya napahiga ako bigla. " Diyos ko! " Pagkuha ko sa kumot ko at nagtalukbong nang kumot. " Sa sunod na manilip ka babaliin ko yang leeg mo! " Seryoso nitong sabi kaya naman napalunok na lang ako sa takot at hindi na ako sumagot mamaya mas lalo pang magalit e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD