Chapter 6

1284 Words
"Sa lugar kung saan siya nararapat." To my surprise, inilapit niya sa akin ang mukha niyang masama ang timpla. "Walang problema sa iyo, Kris. Hindi totoo ang diagnose ng doktor sa iyo noon na hindi kaya ng matres mo ang mabuntis." "H-How? P-Paano mo nasabi? Doktor ka, Liam! Hindi pwedeng magkamali ang mga doktor sa pag-da-diagnose--" "Inamin sa akin ng matandang 'yan!" And his finger was pointing in Nay Minda's direction. "I caught her in action. May nilagay siyang kung anong gamot sa kapeng iniinom mo. And I forced her to tell the truth." Malala na ang panginginig ng halos buong parte ng katawan ko, and I still have the courage to speak. "A-Anong t-totoo?" "Abortion pills 'yong inilalagay niya sa kape mo, Kris. Tanda mo no'ng nag-positive 'yong pregnancy test?" I nod. Of course, naaalala ko 'yon. Isa sa masasayang araw na nangyari 'yon sa buhay ko nang malaman na buntis ako. "Hinaluan niya ng abortion pills 'yong ininom mo that day kaya ka dinugo nang malala no'n. At kaya rin sinabi ng doktor na hindi raw matibay ang naging pagkapit ng bata sa sinapupunan mo. It was really not the idea that you can't carry a child..." "Because that witch manipulates us." I was just looking at that old woman who I treasured the most for the past years and served as my mother while living in this house. Siya 'yong lagi kong napaglalabasan ng sama ng loob every time Liam would beat me like a ramshackle piece of toy. "Nay..." I made my walk towards her direction with my eyes shedding tears for being betrayed by her. "I won't believe in him, nay. You know how I hate him, hmm?" Bulong lang ang nagawa ko just to make sure Liam won't heard. "I won't believe you really did it unless you confessed. Alam kong hindi mo magagawa 'yon--" "Patawarin mo ako, hija," at ang sagot ni Nay Minda ang dumurog sa basag na basag ko nang puso. "Maiintindihan mo rin ang dahilan ko kung bakit ko 'yon ginawa--" "Then, what's your reason?! Bakit hindi mo sa akin sabihin ngayon?" Naramdaman ko ang paglapit ni Liam sa akin at bahagya niya akong inilayo kay Nay Minda. "Pinagkatiwalaan kita, e. Itinuring pa nga kitang nanay dala ng sobrang gaan ng loob ko sa iyo at ang bait mo sa akin. Lahat ba 'yon pagpapakitang tao lang?! Kunwaring mabait ka lang pala sa akin pero isa ka rin pala sa mga demonyong nakatira sa impyernong 'to?!" "How could you do that?! Tao ka pa ba? Hindi ka ba nakokonsensya man lang sa mga ginagawa mo? Alam mong gustong-gusto na naming magkaanak ni Liam. Ang tagal naming nagdusa para sa isang kasinungalingan na ako 'yong may problema kaya hanggang ngayon ay wala kaming anak!" "Kris, pumasok ka na. Magpahinga ka na--" "Sana bitbitin mo hanggang impyerno 'yong kasalanan mo! Pinatayan mo lang naman ako ng anak, oh! Pinamukha mo sa aking wala akong kwentang asawa kay Liam kasi hindi ko siya mabigyan ng anak!" "At ngayon naman... bumabalak ka pang p*****n ako ulit ng anak ngayong alam mong may nangyari ulit sa amin ng asawa ko? Hayop kang matanda ka! Hindi kita mapapatawad kahit na ano pang dahilan ang mayroon ka para gawin sa amin ito!" "Ipasok n'yo na si Kris sa loob." "No, Liam! I'm not done with that--" My line was cut short by an injection calming myself down. Bigla na lang nanghina ang katawan ko dahil sa itinurok sa akin ng isa sa mga bodyguard ni Liam... and afterwards, everything went black. ***** Ang lala ng naging epekto sa akin ng gamot na itinurok sa akin. Bandang gabi na nang magising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog. And if it wasn't because of Sarah's loud and continuous sobs, hindi ako magigising. I went downstairs to see the reason why she's crying, and... "Ma!" Nagtatatakbo akong nilapitan si Sarah at pinatayo mula sa pagkakaluhod niya sa isang palangganang punong-puno ng munggo. "What do you think you're doing, ma? Bakit mo pinaluluhod sa munggo ang anak ko?" "Not your business anymore." Patalikod na siya sa akin nang sa pagkakataon na 'to, hindi ko na na-control pa ang sarili kong pagtaasan siya ng boses. "She's my daughter. Of course she's part of my business!" "She's not your flesh... nor my son's. Wala akong apo na kasingtanga ng anak-anakan n'yo ni Liam." Without wasting her time to face me, she replied and afterwards, pumanhik na ito sa second floor. Gustuhin ko man na hayaan ang sarili kong maiyak sa pang-iinsulto niya kay Sarah, I know I shouldn't. I have to be strong for my daughter. "I'm sorry, mommy..." Sarah pleaded with her tears streaming down her cheeks. "Ginawa ko naman po 'yong best ko para makakuha po ako ng perfect score sa exam ko today. Nag-review po ako magdamag at pinilit kong i-memorize lahat ng terms na nilagay ko sa notes." "Pero... hindi ko pa rin na-perfect. Mayroon pa rin po akong dalawang items na hindi naitama. I'm sorry, mommy!" Umiiyak siyang lumapit sa akin at yumakap. Kahit kailan, hindi ko pinangarap na magpalaki ng sarili kong anak para maging grade conscious. Ayoko siyang i-pressure sa pag-aaral niya at itanim lagi sa utak niya na bawal siyang makakuha ng hindi perfect na score at ng grades na hindi bababa sa 95. Hindi ko man totoong anak si Sarah, mahal na mahal ko siya at proud ako sa kanya bilang tumatayo niyang ina. Hindi niya kailangang g-um-raduate in her elem days as the valedictorian of her batch just so I could be proud of her. Walang mali sa kanya. Walang kulang. Ang tanging mali lang sa buhay niya ay nang mapunta siya sa pamilya namin... sa pamilya ni Liam na sobrang taas ng expectation sa kanya. That's why my daughter is having a hard time coping up with her grandma's huge expectations... na kahit suwayin ko siyang magpuyat sa gabi sa kaaaral niya, lagi niya pa ring itinutuloy. "Get rest, baby. Magbawi ka ng tulog, okay?" "But I have to study, mommy. May exam pa ako bukas. Kailangan kong bumawi kay Lola at para mayroon din akong good news na masasabi kay Daddy." Nagpumilit siyang bumangon sa kama and then she proceeds to her study table, gahol na gahol siyang nagbuklat ng mga notes niya at nagsimulang magbasa. Although she's not feeling well dala ng idinadaing pa rin niya ang masakit na tuhod na iniluhod niya lang naman sa munggo, she still forced herself to study. And as her mother, nakakainis na wala akong magawa para palayain si Sarah sa gan'tong klaseng buhay. She's too young to suffer this kind of life. She should've enjoy her youth hindi 'yong sobrang napaaga siya sa pagsusunog ng kilay. Nang tuluyan na akong makalabas sa kwarto, I was planning to talked with my mother-in-law, kaya lang ay biglang sumama ang timpla ng sikmura ko. I was feeling like vomiting. Napatakbo ako sa cr dito sa first floor at sumuka. "This kind of feeling was familiar..." Kinakabahan man ay agad akong pumanhik sa kwarto namin ni Liam at kinuha ang PT ko roon. Pumasok ako agad sa cr and then tested myself kung tama ba ang kinukutob ng puso ko at this moment. Ilang segundo akong naghintay at nang makasigurong handa na akong tingnan ang pregnancy test... I take a look at it. And I saw two lines. "I..." Maluha-luha akong napatakip sa bibig. "I'm p-pregnant..." This is my second time having butterflies in my stomach for receiving good news from heaven. Sana lang sa pagkakataon na 'to... wala nang mangyaring kamalasan. Hindi ko na kayang mawalan na naman ng anak sa sinapupunan ko for the second time... for Pete's sake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD