Hope POV
Pagkatapos ng aming mainit na pagniig, bumangon ang lalaki at tahimik na tinungo ang banyo. Nang lumabas siya, suot na niya ang kanyang mga damit, tila bumalik ang kanyang awtoridad at pagiging estranghero. Lumapit siya sa gilid ng kama.
"Salamat sa pagbibigay ng kaligayahan... at sa pagliligtas sa buhay ko," wika niya habang may nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi. May kung anong kislap sa kanyang mga mata na tila nanunukso.
Paalis na sana siya nang magsalita ako. "Sandali," pigil ko sa kanya. "Ano ang pangalan mo?"
Bahagya siyang natigilan. Humakbang siya pabalik at dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha sa akin, sapat na para maramdaman ko muli ang init ng kanyang hininga.
"Call me f*****g Honey, okay?" bulong niya sa isang mapanuksong boses bago tuluyang tumalikod at lumabas ng pinto, naiwan akong tulala at hawak ang kanyang card.
Bumalik lang ang ulirat ko nang tumunog ang cellphone ko.
Si Aries.
“Hello…” wala sa sarili kong sagot. Parang biglang nawala ang init ng katawan ko, napalitan ng pagod at bigat.
“Nandiyan ka pa? Pupunta ako diyan,” diretsong sabi ni Aries. “Magbihis ka na. Aalis tayo.”
“O-okay…” mahina kong sagot.
Kahit mabigat ang katawan ko, pinilit kong bumangon at magbihis.
Pagdating ko sa lobby, sinalubong agad ako ni Aries. Walang tanong, walang usap—parang alam na niya ang estado ko.
Tahimik kaming sumakay ng taxi.
Si Aries…
Kaibigan ko. Kababata ko. Lumaki kami sa iisang lugar, sa isang siksikan at magulong squatter area kung saan kailangan mong matutong lumaban para mabuhay.
Mabait siya. Tahimik, pero maaasahan.
Kung ako ay mananayaw sa club…
Si Aries naman ay isang bayarang lalaki—at mananayaw din.
Guwapo siya. Maporma. Yung tipo na madaling pagkaguluhan.
Sino’ng mag-aakala na ganito ang buhay namin?
Na pareho kaming ibinenta ang sarili… para lang mabuhay.
At ako
Sino’ng mag-aakalang ang isang tulad kong mahinhin… ay napadpad sa ganitong mundo?
Tahimik ang biyahe.
Tanging ingay ng makina ng taxi at mahinang tugtog sa radyo ang maririnig. Nakatingin lang ako sa bintana, pinapanood ang mga ilaw sa kalsada na parang dumadaan lang, katulad ng mga nangyari sa buhay ko.
“Hope…”
Mahina ang boses ni Aries, pero ramdam ko ang bigat nito.
Hindi ako sumagot.
“Anong ginawa nila sa’yo?”
Napapikit ako.
“Wala,” sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili ko.
Hindi siya naniwala.
“Wala?” napailing siya. “Ganito ka ba kung wala lang?”
Nanahimik ako.
Hindi ko alam kung saan magsisimula.
Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin.
“Hope,” mas malambot na ang boses niya ngayon, “kilala kita. Bata pa lang tayo… alam ko kapag may mali.”
Napabuntong-hininga ako.
“Hindi ko rin alam…” mahina kong sagot. “Parang… may nangyari, pero hindi ko maintindihan.”
Napatingin siya sa akin.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“May lalaki…” napahinto ako sandali. “Hindi siya katulad ng iba.”
“Customer?” agad niyang tanong, halatang hindi nagugustuhan ang ideya.
Hindi ako agad sumagot.
“…Oo. Pero hindi siya gano’n.”
Napahigpit ang hawak niya sa tuhod niya, pilit pinipigilan ang sarili.
“Hope…” seryoso niyang sabi, “delikado ‘yan. Lalo na kung hindi mo pa talaga kilala.”
Napatingin ako sa kanya.
“Pero tinulungan niya ako.”
Doon siya tuluyang tumingin sa akin.
“At anong kapalit?” diretso niyang tanong.
Napatahimik ako.
Dahil hindi ko rin alam ang sagot.
“Ganito ‘yan palagi, Hope,” dagdag niya, mas mababa ang boses. “Walang tumutulong nang walang dahilan.”
“Hindi ko siya kilala…” bulong ko. “Pero parang… parang may tinatago siya.”
Tahimik ulit.
Ilang segundo.
“Hayaan mo, isang beses lang yun,” matigas niyang sabi.
Napangiti ako ng mapait.
“Madali mong sabihin.”
“At mahirap gawin, alam ko,” sagot niya agad. “Pero nandito ako. Hindi mo kailangang harapin ‘yan mag-isa.”
Napatingin ako sa kanya.
Sa unang pagkakataon, hindi siya mukhang kalmado.
Mukha siyang… nag-aalala.
Sobra.
“Bakit?” tanong ko.
“Bakit ano?”
“Bakit parang… sobra kang nag-aalala?”
Natigilan siya.
Saglit.
Pagkatapos ay umiwas siya ng tingin.
“…Dahil kaibigan mo ako.”
Pero hindi sapat ang sagot niya.
Ramdam ko.
At sa katahimikan ng biyahe,
Mas lalo kong naramdaman na may mga bagay na hindi sinasabi si Aries.
At baka…
Hindi lang ako ang may tinatagong nararamdaman.